• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE

UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula sa available funds sa 2020 national budget.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, kabilang sa pinaglaanan ng pondo mula sa Bayanihan 2 ang Department of the Interior and Local Government (P2,522,660,000); Office of Civil Defense (P855,190,418); Bureau of the Treasury (BTr)- lo-cal government units (P451,474,250); Department of Foreign Affairs (P820 million); Professional Regulation Commission (P2.5 million); Department of Social Welfare and Development (P6 billion); Department of Transpor- tation (P9.5 billion); Department of Agriculture (P12.032 billion); BTr-Development Bank of the Philip- pines (P1 billion); BTr-Land Bank of the Philippines (P1 billion); BTr – Small Business Corporation (P8,080,098,000); Philippine Sports Commission (P180 million); Department of Labor and Employment (P13.1 billion); Department of Health (P20,574,952,000) at De- partment of Trade and Industry (P100 million).

 

Samantala, ang Department of Public Works and Highways (P994,745,247); Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (P28,371,099) at DOH (P730,047,199) naman ang pinaglaanan ng pondong galing sa 2020 national budget.

 

Inihayag ni Pangulong Duterte na 54.45 percent na ng P140-billion appropriations sa ilalim ng Bayanihan 2 ang nai-release. (Ara Romero)

Other News
  • Mas nagiging future-oriented na siya: JILLIAN, ibinenta na ang sports car kapalit ng mga lupain

    IBINENTA na ni Jillian Ward ang iba niyang mga sasakyan.     Noon ay napabalitang bumili si Jillian ng mga (yes, mga dahil mahigit isa o dalawa) mamahaling kotse o sports car na milyun-milyon ang halaga.     Kinabiliban nga si Jillian ng mga netizens at maging kapwa niya artista dahil bago pa man mag-eighteen […]

  • DISCLAIMER

    Notice is hereby given that our company disclaims the existence of any paid advertisement in our newspaper relating to a “Notice to the Public” against Jamaica Casano Diaz that even included the name of FPG Insurance Corporation, Inc.  We also disclaim any relationship or association with a certain “Nathaniel Grande”, the alleged author of the […]

  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]