Haponesa sasawatain si Saso
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.
Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) ng Golf 5 Ladies Professional Golf Tournament sa Golf5 Country Mizunami Course sa Gifu.
Ang probla lang malamang na wala pa sa kondisyon ang 26-anyos na Haponesa dahil sa kakulangan niya mga torneo sa nakalipas na buwan dahilan na rin sa Covid-19 na natumpyas din sa maraming yugto ng Japan tour na ito.
Kapag nakatatlong dikit na korona naman ang tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso, bukod sa record ni Suzki, m,agiging kalakip pa na siya ang unang tinedyer na nagtamo nito nito.
Ang kambal na sunod na tagumpay ni Saso ang nag-upo na rin sa kanya sa No. 76 sa world rankings na basehan sa mga hahambalos sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)
-
Reyes, Torre aawra sa 2nd Pro Sports Summit
MAKIKIISA sina world 9-ball at four-time 8-ball billiard champion Efren Reyes at Chess Olympiad silver at four-time bronze winner Grandmaster Eugenio Torre sa Games and Amusement Board (GAB) 2nd Professional Sports Summit Zoom Teleconferencing & Facebook live 2020 sa Sabado, Disyembre 5. “Hindi naman kasi porke pandemic ay hihinto na ang GAB so we […]
-
May delayed telecast sa ALLTV: Gabi ng Parangal ng ‘The 7th EDDYS’, tuloy na tuloy sa July 7
MAS maningning at kaabang-abang ang awards night ng ‘The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Pasay City. Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na […]
-
TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB
ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga. “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]