• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, inanunsyo ang magiging art collab nila ng BRANDON BOYD

INANUNSYO ni Heart Evangelista ang magiging art collab niya with Incubus frontman, Brandon Boyd.

 

 

Sa kanyang tweet, pinakita ni Heart ang screenshot ng video call niya with Brandon Boyd, at ng art manager nitong sina Jen DiSisto at Pietro.

 

 

Caption ni Heart: “Morning meetings with Jen, pietro and #brandonboyed for our little art project SOON.”

 

 

Kilala ni Brandon bilang vocalist ng Grammy-nominated and multi-platinum selling band na Incubus. Naging hit ang songs nilang “Drive” and “Wish You Were Here” noong early 2000.

 

 

Isa ring artist si Brandon at may tatlong books ito ng kanyang original artworks: White Fluffy Clouds (2003), From the Murks of the Sultry Abyss (2007), and So the Echo (2013). Nakapag-art exhibit na ito sa galleries sa iba’t ibang bansa.

 

 

Si Heart naman ay hindi lang sa kanyang paintings pinahanga ang marami kundi pati na sa kanyang artworks sa luxury bags.

 

 

***

 

 

BALAK pa ring umuwi ng Pilipinas ni Rufa Mae Quinto.

 

 

Sa interview nito sa Tunay na Buhay, sinabi nito na okey naman daw ang buhay sa Amerika, wala lang daw taga-linis!

 

 

“Hindi pala madali malaki bahay dito. Three bedrooms, ‘yung alam mo ‘yon, ‘yung simple lang, hindi kagaya noon. Sa Philippines kasi may taga-linis.

 

 

“Okay naman ang buhay Amerikana. Nose bleed pa rin at saka home sick. Kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano pa.

 

 

“Alam mo ‘yon? Kung ‘di lang importante at tsaka trabaho, hindi ka dapat umano pa, kasi kung hindi magfo-fall down ‘yung bahay.”

 

 

Bilang ina naman daw, may ups and downs na nararanasan si Rufa Mae.

 

 

“Parang wala na kong masayadong panahon sa sarili ko. Tapos, siyempre pinakamasaya ako, pinaka the best feeling, pero at the same time, pinakamasakit din kapag, halimbawa, may nagkasakit or umiiyak siya. Sabi ko, ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din.”

 

 

May gagawin dapat na show si Rufa Mae sa GMA, kaso inabot daw siya ng lockdown sa Amerika.

 

 

“Two weeks lang talaga dahil nga birthday ni Athena. Dapat may gagawin akong soap opera diyan sa GMA.

 

 

“So, sabi ko, kung soap ‘yon, malamang three months ‘yon or six months. Sabi ko siguro hindi ako madalas makakauwi sa Amerika. So, sabi ko mag-stay kaya muna ako hanggang nagkaroon na ng lockdown.

 

 

“So sabi ko, wala eh, wala ring magagawa diyan, so ituloy ko na lang ‘yung dito sa Land of Opportunity.”

 

 

Isang rason daw kung bakit uuwi si Rufa Mae ay dahil sa binili niyang bahay na di pa niya nakikita.

 

 

“Alam mo, may brand new house ako na hindi ko na nakita. Five bedrooms, ang ganda-ganda tapos wala… hindi na nauwian. Pero, definitely this year, uuwi ako. Gusto ko bumalik para ayusin ko ‘yung buhay ko diyan.”

 

 

***

 

 

ISANG refugee na sa United States si Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin.

 

 

Winelcome si Thuzar sa Burmese community sa Indianapolis, Indiana at meron na siyang matatawag na asylum sa US. Ang naturang community ang tumulong din na maghanap ng trabaho kay Thuzar bilang model sa New York City.

 

 

Sa We Are JEM Model Agency magwu-work bilang in-house model.

 

 

Sa kanyang social media, pinost ni Thuzar na kasama siya sa isang gathering na organized ng ethnic Chin people living in the U.S.

 

 

Wala na raw dapat na ipag-alala si Thuzar dahil hindi na siya maaaresto dahil nakahanap na siya ng mga taong susuporta sa kanya sa panibagong buhay niya sa US.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors

    MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas.     Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na.     Ang […]

  • Magpapakita ng ‘PDA,’ sisitahin na para labanan ang COVID cases – PNP

    Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na istrikto nilang ipatutupad muli ang mga health protocols lalo na at tumaas na naman ang bilang ng Coronavirus Disease (COVID) cases dito sa Metro Manila.     Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government units kaugnay sa mga umiiral nitong ordinansa.     May […]

  • Ads November 17, 2023