• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila

NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gaga­wing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado.

 

 

“Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

 

 

Ayon kay Chua, bilang pagkilala sa pambihirang achievement na nakamtan ni Yulo ay pinaplano ng lungsod ng Maynila na bigyan siya ng “hero’s welcome” sa kanyang pagbabalik sa bansa.

 

Inianunsiyo na rin kahapon ni Mayor Honey Lacuna ang ginagawang paghahanda ng Manila City Government para sa hero’s welcome sa pag-uwi ng Gold Olympic Medalist na si Yulo.

 

Ayon kay Lacuna, isang bonggang hero’s welcome ang ibibigay nila kay Yulo, gayundin sa lahat ng Paris Olympians na babalik sa bansa.

 

Bukod rito, makatatanggap din aniya si Yulo mula sa lokal na pamahalaan ng cash incentives, awards, at simbolo ng ‘eternal gratitude.’

 

“The people of Manila, the entire Philippines, and all Filipinos all over the world rejoice at Carlos Edriel Yulo’s spectacular gold medal performance at the Paris Olympics. Our hearts leaped in our chests as Caloy leaped high in the air. We stomped our feet on the floor as Caloy nailed those solid landings that felt like earthquakes. Our eyes glowed in admiration as Caloy showed sure control as he executed that perfect handstand,” anang alkalde.

 

Ipinagmalaki rin ni Lacuna na ang isang “Outs­tanding Manilan Awardee” ay isa nang Olympic Gold Medalist ngayon.

 

Una na ring nagpasa ng Resolution No. 388 ang Manila City Council bilang pagkilala sa pagkapanalo ng magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo sa Artistic Gymnastics Asian Championship sa Tashkent Uzbekistan noong Mayo 19, 2024.

Other News
  • Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension

    TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva.   Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes.   Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program.   Bago ang nasabing desisyon ay […]

  • Siklista ng GFG, papadyak sa 10th Ronda Pilipinas 2020

    MASISILAYAN ang tikas ng Go for Gold Cycling Team sa pagpedal sa LBC Ronda Pilipinas 10th Anniversary Race na magsisimula sa Pebero 23 sa Sorsogon at matatapos sa Marso 4 sa Vigan, Ilocos Sur.   Irarrampa ng GFG ang mga batang siklista upang harapin ang hamon ng mga beterano buhat sa mga tigasing kaponan katulad […]

  • Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.     Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprini­sinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]