• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz mas nakatuon ang atensyon sa SEA Games at Asian Games

Nakatuon na lamang ngayon ang atensiyon ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa pagdepensa ng kaniyang titulo sa SouthEast Asian Games (SEA Games) at Asian Games 2022

 

 

Ito ay matapos na umatras siya sa 2021 World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17.

 

 

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na nirerespeto niya ang desisyon na ito ni Diaz dahil sa mayroon lamang itong maikling panahon para makapag-ensayo.

 

 

Magpapadala na lamang aniya ang bansa ng ibang mga pambato sa pamamagitan nina Asian champion Vanessa Sarno, SEA Games Champion Kristel Macrohon, Olympian Elreen Ando at Mary Grace Diaz.

 

 

Noong Setyembre pa sana ang orihinal na plano ni Diaz na magtungo sa Malaysia para doon mag-ensayo subalit ito ay naantala kaya ngayon buwan pa lamang ito muling nagsimula ng ensayo.

 

 

Dahil dito ay naghahanda na ang kauna-unahang Pinay Olympic gold medalist sa pagsabak sa SEA Games sa Vietnam na gaganapin sa Mayo 2022 at sa Hangzhou Asian Games sa Setyembre 2022.

Other News
  • Aby Marano nagretiro na sa paglalaro

    Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.   Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.   Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.   Taong 2018 ng maging […]

  • Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

    OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.     Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.     Apat na […]

  • MANDATORY TESTING ng PMVIC PINILIT BUHAYIN. ITINAON PA MISMO sa SIMULA ng LOCKDOWN! MAY BALAK TULOY NA BOYKOT!

    Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!!     Magaling din tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR)for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs).     Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa […]