Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlifting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.
“Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas okay ‘yung nandoon ka, at prepared ka. Mas okay na prepared ka talaga.”
Ang paglahok na lamang sa nasabing qualifying tournament ang kailangan ni Diaz para pormal na sikwatin ang tiket sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Base sa Olympic qualifying ratings process ng (International Weightlifting Federation) IWF, dapat sumabak ang mga Olympic hopefuls sa anim na IWF-sanctioned competitions para makakuha ng silya sa quadrennial event.
Hangad ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics appearance.
Naniniwala ang 30-anyos na si Diaz na makakasama niya sa kampanya sa 2021 Tokyo Olympics sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlo Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
-
Clarkson tiniyak na babawi, pipilitin na ipanalo ang laro vs Saudi
HINDI naiwasan na masisi rin ni NBA star Jordan Clarkson ang kanyang sarili sa pagkatalo kaninang madaling araw ng Gilas Pilipinas sa kamay ng national team ng Lebanon. Ayon kay Clarkson, sumablay kasi ang tatlo niyang mga tira na may mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa game. Una nang nakapagtala ng […]
-
18-ANYOS NA CICL NAGBIGTI SA MALABON
ISANG youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng temporary shelter na para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso dahil sa pagkasawi sa pag-ibig matapos umanong hiwalayan ng girlfriend sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ang katawan ng 18-anyos na biktima ay nadiskubre ng 16-anyos na binatilyong […]
-
IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO
Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa. Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt […]