• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas City Christmas Bazaar

IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree.

 

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display na sinaksihan naman ng mga residente ng lungsod.

 

 

Kasabay nito, pinangunahan din ni Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagbubukas sa Christmas bazaar na nagtatampok ng 34 Navoteno small, and midsize enterprises.

 

 

Hinikayat naman ni Mayor Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

 

 

“Ngayong Christmas season, subukang bumili mula sa mga brands and small shops sa loob ng komunidad. Tulungan natin ang ating mga kapwa Navoteño na bigyan ng patas na pagkakataon ang micro at small entrepreneurs na magpatuloy at umunlad,” pahayag niya.

 

 

Dagdag ng alkalde, ang Christmas bazaar ay bukas araw-araw simula 5pm hanggang 12mn. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinoy bets may 3 golds sa Para Games

    KUMANA ang Team Phi­lippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.     Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition.     Hataw si Gawilan sa […]

  • El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA

    ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan.     Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa […]

  • Diaz, iba pang weightlifters may tsansa sa Paris at L.A. Olympics—Puentevella

    HINDI  lamang sa 2024 Olympics Games puwedeng manalo ulit ng medalya ang Pilipinas kundi pati sa 2028 edition.     Ito, ayon kay Samahang Weightlifting sa Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, ay kung magkakaroon ng sapat na international training at exposure ang mga national weightlifters.     Iniluklok kamakalawa si Puentevella sa International Weightlifting Federation […]