• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 100 shooters, nakiisa sa AM/FM Invitational Shootfest

MAHIGIT 100 shooters mula sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas Valenzuela) areas ang sumali sa dalawang araw na 1st AM/FM (Along Malapitan For Mayor) invitational shootfest na ginanap sa Caloocan City Police Station Firing Range.

 

Pinangunahan ni Caloocan 1st District Congressman Dale “Along” Malapitan ang pagbubukas ng seremonya ng shootfest sa pamamagitan ng pagtama ng kanyang target na balloon na may layong 10 meters, kasama ang iba pang mga kilalang shooters.

 

Hinikayat din ng kongresista ang mga barangay officials sa Caloocan na sumali sa shootfest para mahasa ang kanilang shooting skills dahil sila ang naunang lumalaban sa illegal drugs at iba pang criminals sa kanilang area of responsibilities.

 

Sa kanyang speech, sinabi ni Cong. Along na ang inaugural staging ng AM FM cup ay hindi lamang naglalayong isulong ang responsable at ligtas na paghawak ng baril at pisikal na kagalingan ng mga kalahok ngunit nais niya ang lahat na kumpetisyon ay gaganapin taun-taon.

 

Ang mga opisyal ng Barangay sa Caloocan na pinamumunuan ni Chairman Honesto Gaton ng Barangay 8 ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Cong. Malapitan sa pag-imbita sa kanila na sumali sa shooting kumpetisyon para mahasa ang kanilang mga kasanayan sa pagbaril.

 

Si Gaton, na dating Caloocan police at taong mahilig sa baril ay responsable sa pagkilala at pag-aresto sa mga kilalang drug pushers sa kanyang lugar na isa sa mga pinakamalaking barangay sa Distrito II na naging dahilan upang makatanggap siya ng isang dosenang death threats.

 

Ang level 1, 5 match ay pinahintulutan ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) na-sponsor ni Cong. Along, Melito Chua at Nani Almeda. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads November 20, 2020

  • Ads June 21, 2024

  • “The time to invest in the Province of Bulacan is now” – Fernando

    CITY OF MALOLOS – “With all the major development plans and business opportunities in our province, I can also proudly say that the time to invest in the province of Bulacan is now. Let’s join hands in making Bulacan the center of economic development in our country.”     This was the message of Bulacan […]