• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 300 preso inilipat sa bagong Quezon City Jail sa Payatas

NAILIPAT na sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas ang nasa 364 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na mga senior citizens at may karamdaman.

 

 

Ang paglilipat sa mga PDLs ay personal na isinagawa ni QC Jail Warden, JSupt. Warren Geronimo at mga opisyal ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP).

 

 

Nabatid na ang bagong pasilidad ay may lawak na 2.4 na ektarya at may kakayahan para ma-accommodate ang higit 3,000 PDLs pa sa lumang jail facility.

 

 

Nauna nang itinurn-over ng Quezon City government sa BJMP ang bagong pasilidad upang mas mabigyan ng maayos na piitan ang mga preso.

 

 

Inayos na rin ang mga perimeter fence na makakapagtiyak sa seguridad ng pasilidad.

 

 

Dahil dito, nagpasalamat ang pamunuan ng QCJMD kay Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa malaking ka­ginhawaan para sa mga PDL ang bagong pasilidad lalo na sa problema ng pagsisikip sa lumang QC Jail.

 

 

Tiniyak din ni Geronimo na patuloy pa rin ang kanilang decongestion program sa city jail. (Ara Romero)

Other News
  • Lahat ng ASEAN states, umaasa na maisasapinal na ang Code of Conduct para sa SCS-PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.     Iyon ay dahil  umaasa ang  lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC  bilang “legally binding pact.”     […]

  • Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

    BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]

  • Mga empleyado ng mga rail lines dumarami ang kaso ng COVID 19

    Dumarami ang mga empleyado ng tatlong (3) rail lines ang mga nag positibo sa ginagawang malawakang testing ng COVID 19 na pinagutos ng Department of Transportation (DOTr).     Mula sa dating datus na 428 noong nakaraang Linggo, pumalo na ang mga positibong kaso sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines […]