• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 5 milyong Pinoy bakunado na

Naitala na sa 5,120,023 ang kabuuang Pilipino na nabibigay ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang vaccination centers sa bansa, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kahapon.

 

 

Sa naturang bilang, nasa 1,189,353 ang nakakumpleto na ikalawang dose ng bakuna o ‘fully-vaccinated’ na.

 

 

Kabilang dito ang 1.4 milyon o 93 porsyento ng health workers na nabakunahan, na ang 664,000 ay fully vaccinated na.

 

 

Sa mga senior citizens, nasa 1,368,836 o 13.8 porsyento ng 9 milyong seniors ang nabakunahan habang nasa 1.15 milyon o 22.7 porsyento ng mga Pilipino na may ‘comorbidities’ ang nabakunahan na rin.

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni Galvez na kaila­ngan pa ring maitaas sa 500,000 bakuna ang maisagawa kada araw sa Metro Manila, Metro Davao, Metro Cebu, at anim pang urban areas para maabot ang inaasam na ‘herd immunity’ sa pagsapit ng Nobyembre 27.

 

 

Ngunit ito ay magiging depende pa rin umano sa tuluy-tuloy na pagdating ng suplay ng bakuna. Tiwala si Galvez na mababakunahan na ang nasa 30 porsyento ng populasyon pagsapit ng Agosto o Setyembre.

 

 

Ang ‘best scenario’ na inaasahan ng pamahalaan ay mararating ang ‘herd containment’ sa Setyembre o Oktubre ngunit kung magkaroon ng problema sa suplay ng bakuna ay maaaring umabot ang target na petsa sa unang quarter ng 2022 pa.

Other News
  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]

  • Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge

    HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon.   Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas […]

  • NAGTAGO NG 17-TAON, TAIWANESE NATIONAL, NAARESTO SA QUEZON

    MAKARAAN ang 17-taon na pagtatago sa awtoridad, naaresto rin ng Bureau  of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national dahil  sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan sa Taipe.     Kinilala ang suspek na si Huang Kuan-I, 53, na naaresto ng BI fugitive search  Unit (FSU) sa bayan ng Real Quezon, sa kanilang ulat kay Immigration […]