Higit 500K MT imported rice darating sa Disyembre at Pebrero – DA
- Published on December 30, 2023
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa mahigit 500,000 metriko tonelada ng imported na bigas ang inaasahang darating pa sa bansa bago magtapos ang taon hanggang sa Pebrero.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roger Navarro, Officer-in-Charge for Operations, hindi kakapusin sa supply ng bigas ang Pilipinas dahil paparating na ang mga karagdagang tone-tonelada ng bigas.
Sinabi ni Navarro, nasa 76,000 metriko tonelada ng bigas galing Taiwan at India ang nakatakdang dumating bago magtapos ang Disyembre 2023 at sa unang bahagi ng Enero 2024.
Ayon sa opisyal, ang nasa kalahating milyong metriko toneladang inimport na bigas ng mga pribadong sektor ay nagsimula nang dumating sa bansa bilang bahagi ng pagpapalakas ng supply nito para mapanatili ang stable na supply ng bigas bilang paghahanda sa matinding epekto ng El Niño phenomenom.
“We received reports that around 100,000 tons of imported rice has already arrived in the country. This is part of the 495,000 metric tons committed by import permit holders to Secretary Tiu Laurel,” ani Navarro.
Samantala, 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metriko tonelada ng bigas ang nai-deliver bago mag-Pasko na unang batch ng 40,000 bigas na donasyon ng Taiwan.
Sa huling linggo ng Disyembre hanggang unang bahagi ng Enero ay nasa 75,000 metriko tonelada naman ng bigas ang darating mula sa India. Una nang ipinagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati na puting bigas noong Hulyo upang palakasin ang kanilang domestic suppy at presyo nito.
Noong Oktubre ay muli namang inaprubahan ng India ang pag-export ng 1 milyong metriko tonelada ng bigas sa 7 bansa kabilang ang Pilipinas. (Daris Jose)
-
CAST OF “THE BATMAN” GRACES RED CARPET OF SPECIAL SCREENING IN LONDON
THE stars of Warner Bros. Pictures’ new superhero epic adventure “The Batman” have taken to the red carpet as part of the celebrations at the film’s London special screening February 25. Robert Pattinson who plays the dual role of Bruce Wayne / The Batman led the cast on the red carpet. Joining him were […]
-
320-K na mga gamit na condom na posibleng nirerecycle nakumpsika sa Vietnam
AABOT sa mahigit 320,000 na mga gamit na condoms na nirerecycle ang nakumpiska ng mga kapulisan ng Vietnam. Nakuha ito sa isang bodega sa southern Binh Duong province ang nasabing mga gamit na condom. Tumitimbang ito ng mahigit 360 kilos. Sa naging imbestigasyon ng mga kapulisan sa isang babae na may-ari ng bodega […]
-
Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na
HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko. Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng […]