• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 70K trabaho, maaaring aplayan sa job fairs sa Araw ng Kalayaan, June 12 – DOLE

NASA mahigit 70,000 trabaho ang maaaring aplayan sa isasagawang job fairs sa iba’t ibang parte ng bansa sa mismong araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

 

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment (BLE) director Patrick Patriwirawan Jr., magsasagawa ng job fair ang pamahalaan sa 48 sites kasabay ng paggunita ng ika-125 Independence day.

 

 

Sa datos nitong Hunyo 6, ayon sa DOLE official mayroong 72,023 bakanteng trabaho na iaalok sa job fair mula sa 889 participating employers.

 

 

Ang mga top industries na magaalok ng trabaho ay sa business process outsourcing, manufacturing, retail and sales, construction, financial at insurance sectors.

 

 

Ang mga trabaho naman na maaaring applyan ay customer service representative, production worker, sales clerk, cashier, laborer, lineman, financial consultant at microfinance officer. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa bagyong Maring

    MAHIGPIT na naka-monitor ang Malakanyang sa nagpapatuloy na operasyon sa Tropical Storm Maring habang patuloy itong kumikilos palabas ng Northern Luzon.   Ang rescue personnel at teams mula sa local government units ay nasa lugar upang ang lahat ng requests para sa rescue at assistance ay kaagad na maaksyunan ng lahat ng may kinalaman na […]

  • Guce sumalo sa ika-40 Puwesto, sinubi P48K

    BINIRIT ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang pinakamagarang hampas sa apat na araw sa one-under par 71 para sa two-over 290 sa pagtabla sa lima sa ika-40 katayuan na may $993 (P48K) sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic nitong Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, […]

  • 869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS SA VALENZUELA NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM

    NASA 869  jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program.   Ito’y para matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine […]