Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. dahil sa matagumpay na operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na si Kalif Latif, 24, (watchlisted), Akisah, 18, at pagkakasagip sa kanilang 14-anyos na binatilyong kapatid, pawang estudyante.
Nakumpiska sa operation ang humigi’t-kumulang sa 25 kilos at 700 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P174,760,000.00 ang halaga.
Ayon kay Col. Mina, mahigit isang lingggong isinailalim sa surveillance operation ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa kanilang bahay sa Block 30, Lot 17, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan city dakong 7:30 ng umaga.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nakagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P120,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium ice plastic bag ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Kabilang pa sa nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money na binubuo ng dalawang tunay na P1,000 bills at 118 piraso ng P1,000 boodle money, cellphone at dalawang travelling bag na kulay itim at pula.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang tinurn over naman sa pangangalaga ng DSWD ang menor-de-edad. (Richard Mesa)
-
Ipagpaliban ang physical distancing sa PUVs, suportado ni Senador Bong Go
SANG-AYON si Senador Bong Go sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan. Ang katwiran ni Go ay huwag na isugal kung may posibilidad na mas kumalat pa ang sakit na coronavirus. […]
-
WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL
DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020. Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya. “Next year na […]
-
Ads March 1, 2024