• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinay-hinay sa mga pahayag sa COVID-19 situation

Umapela kahapon ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent experts’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang nangyayaring bagong ‘surge’ sa Metro Manila.

 

 

Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo.

 

 

Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano matatawag ito na ‘surge’.  Base sa pagsusuri ng DOH Epidemiology Bureau, nakapagtala ng 19% sa ‘two-week growth rates (TWGR)’ at ‘average daily attack rate (ADAR) sa anim na kaso kada 100,000 populasyon na nasa ‘moderate risk’ pa umano.

 

 

“Makati, Las Piñas, Pasay, Pasig, Taguig, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, and Caloocan all have positive TWGR – a trend reversal from negative two-week growth rates 3-4 weeks ago. Additionally, Makati, Las Piñas, and Pasay have high risk ADAR,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Sa buong bansa, nananatiling mababa pa rin naman ang ‘utilization rate’ sa mga health care at intensive care sa mga pagamutan.

 

 

Muling nanawagan ang opisyal sa publiko na mahigpit na sumunod sa ‘minimum health standards’ dahil kung hindi ay malaki ang posibilidad na umakyat sa 11,000 kaso kada araw ang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre dahil sa sinasabing 60% mas nakakahawa ang Delta variant.

Other News
  • Ping hinihingan ng P800 milyong ng partido kaya ‘nilaglag’

    POSIBLENG dahil sa walang maibigay na P800 milyon na additional funding kaya umano iniwan ng partido ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kandidatura ni Sen. Panfilo Lacson.     Ayon kay Lacson, duda siya sa rason na ang results sa pre-election survey ang nagtulak kay Alvarez na lumipat sa kampo ni presidential aspirant at […]

  • James kinampihan ang ‘Pinas

    MALINAW  para kay Philippine Basketball Association ( PBA) rookie aspirant James Laput ang kanyang kinampihan sa naganap na International Basketball Association (FIBA) basketbrawl ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers noong Hulyo 2018 sa Philippine Arena sa Bulacan.     Isang Pilipino-Australian na ipinangak at lumaki sa Perth ng Down Under mula sa mga magulang na […]

  • DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

    BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.   Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng […]