• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi babawiin ang Best Actor award para sa ‘King Richard’: WILL SMITH, tinanggap ang desisyon ng Academy na i-ban sa lahat ng events for ten years

TIYAK na maraming beki netizens ang aabangan sa underwear model-turned-actor na si Juan Carlos Galano sa Kapuso mini-series na Raya Sirena.

 

 

Gaganap si Juan Carlos bilang si Bulan o Sun God na siyang may hawak ng katotohanan kung ano ba ang tunay na pagkatao ni Raya, played by teen actress Sofia Pablo.

 

 

Originally, si Juan Carlos ang dapat na ka-love triangle ng AlFia loveteam sa Raya Sirena. Kaso noong mag-look test daw ang dalawa ay nagmukhang tito ni Sofia si Juan Carlos.

 

 

“Hindi nag-compliment ang looks namin ni Sofia. Kasi batang-bata talaga siya at mukha akong tito niya. Kaya binigay sa akin yung role na Bulan at yung original role ko ay binigay kay Saviour Ramos, na mas bagay silang tingnan ni Sofia,” sey ni Juan Carlos.

 

 

Pinagkakaguluhan sa social media si Juan Carlos dahil sa pag-display ng abs nito sa ini-endorse na underwear brand. Inamin niya na may mga natatanggap siyang indecent proposals na kanyang tinatanggihan.

 

 

“Maraming mga ganun. Usually I don’t really mind it kasi message request ang mga yun, Parang ang diskarte nila, they would offer you work. Tapos, yun pala, ang kasunod, ‘How much?’ Sinasagot ko na lang ng  ‘Sorry, I’m not open for business.’ Ganun. I don’t do that,” diin pa niya.

 

 

Nirerespeto raw ni Juan Carlos ang LGBT community dahil marami siyang mga kaibigan na beki. Pero hindi raw siya para sa isang same-sex relationship.

 

 

“Hindi sa conservative. LGBT community can consider me an ally. Kasi, sobrang dami kong kaibigan na nasa spectrum ng LGBT. And what I would say, as long as masaya sila, lalo na sa same-sex union or relationship. Kasi ako, nakikita ko, masaya yung mga kaibigan ko lalo na kapag nakita na nila yung partner nila for life. 

 

 

“Kung tatanungin, kung adventurous ba ako and gender fluid ba ako? Ahh, I would digress. Kumbaga, it’s just not for me. I love the gay community. Pero hindi talaga ako open to being in such relationship.”

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ni Donita Rose ang lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso na si Felson Palad.

 

 

Noong nuna ay tiinago pa ni Donita ang identity ng kanyang karelasyon ngayon. Ngayon sa latest post niya sa Instagram, kitang-kita na ang buong mukha nito.

 

 

“The grass seems greener these days, or is it just me? After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo’?

 

 

His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’ (So as time goes by, I’ll become more handsome.’ I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps,” caption pa ni Donita.

 

 

Pinost din ni Felson sa kanyang IG account ang mga photos with Donita at nilagyan niya ng caption na: “Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.”

 

 

Isang music artist si Felson at pareho sila ni Donita na madalas um-attend ng church services.

 

 

Sa IG account ni Felson, makikitang madalas siyang mag-show sa iba’t ibang venues at nakasama niya ang ilang Filipino performers. Makikita rin na mahilig mag-perform si Felson sa mga nursing home para aliwin ang mga elderly patients doon.

 

 

***

 

 

MABILIS na tinanggap ni Will Smith ang desisyon ng AMPAS or Academy of Motion Picture Arts and Science na i-ban siya sa lahat ng events ng Academy for ten years.

 

 

Ibig sabihin ay hindi siya puwedeng dumalo sa anumang malaki o maliit na okasyon ng Academy.

 

 

“I accept and respect the Academy’s decision,” mabilis na tugon ng aktor pagkatapos nitong matanggap ang hatol ng Academy sa naging reckless behavior niya sa comedian na si Chris Rock sa live ceremony ng Oscar Awards noong nakaraang March 27.

 

 

Ayon sa Academy: “The Board of Governors has decided, for a period of 10 years, from April 8, 2022, Mr. Smith shall not be permitted to attend any Academy events or programs in person or virtually, including but not limited to the Academy Awards.

 

 

We want to express our deep gratitude to Mr. Rock for maintaining his composure under extraordinary circumstances. We also want to thank our hosts, nominees, presenters and winners for their poise and grace during our telecast.”

 

 

Hindi raw babawiin ng Academy ang napanalunan niyang best actor award para sa pelikulang King Richard. Paliwanag ng Academy, binigay daw ng co-actors niya ang parangal na iyon at hindi raw nila iyon puwedeng bawiin.

 

 

Ginawa pang example ang mga nanalo ng Oscars na may pending cases na hindi naman binawi tulad ng film director na si Roman Polanski na nanalo bilang best director for The Pianist in 2003 kahit na may kaso itong sexual abuse at unlawful sexual intercourse with a minor sa Amerika.

 

 

At ang Miramax producer na si Harvey Weinstein na nanalong best pictures ang mga pelikula niyang Shakespeare In Love (1999) at Chicago (2003) kahit nahatulan ito ng 23 years in prison sa kasong rape in the third degree.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Director Greg Berlanti Praises Scarlett Johansson and Channing Tatum’s Chemistry in “Fly Me to the Moon”

    Discover the sizzling chemistry between Scarlett Johansson and Channing Tatum in Greg Berlanti’s Fly Me to the Moon.   A stylish blend of comedy, drama, and romance set against the backdrop of the Apollo 11 moon landing. In cinemas July 10.   Director Greg Berlanti, renowned for his work on Love, Simon and You, knew […]

  • Para palakasin ang PH-US security ties: VP Harris nasa Pinas na

    DUMATING na sa Pilipinas si  United States (US) Vice President Kamala Harris para sa serye ng engagements nito kabilang na ang pakikipagpulong kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.     Nakatakda ring bumisita si Harris sa  Palawan.     Sina Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Pasay City […]

  • 220 couples sa Bacolod, ikinasal na nakasuot ng face masks dahil sa COVID-19 scare

    Aminado ang alkalde ng lungsod ng Bacolod na kakaiba ang isinagawang mass wedding kamakalawa kung saan 220 couple ang ikinasal.   Ayon kay Mayor Evelio Leonardia, sinadya na 220 pares ang ikakasal dahil ibinatay ito sa petsa na Pebrero 20, 2020 o 02-20-2020, na hindi na mauulit.   Ito rin aniya ang unang pagkakataon na […]