Hindi kasarian ang susi sa tagumpay – Magno
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
MAGANDANG inspirasyon para sa kababaihan ang HUGOT ni 32nd Summer Olympic Games 2021 Tokyo-bound boxer Irish Magno.
Sinalaysay nitong isang araw lang ng boksingera ang “Tungo sa Ginto” ng MVP Sports Foundation na hindi aniya ang kasarian ng isang tao upang maabot ang mga pangarap o tagumpay.
“Ang importante kung may pangarap ka, maaabot mo ‘yan basta meron kang – ‘yung sinasabi sa amin ni coach na disiplina, sipag, tiyaga, determinasyon at higit sa lahat tiwala sa Maykapal. Matutupad mo lahat ‘yun,” giit ng 29 taong-gulang, 5- 2 na taas na dalagang Ilongga.
Hinirit pa niya sa social media account niya, “Wala ‘yon sa kasarian. Yung sinasabi namin, kung ano man ‘yung kaya ng lalaki, kaya din naming mga babae.” (REC)
-
Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA
KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero […]
-
PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw. Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]
-
Ads February 9, 2022