• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi naman dapat totohanin o ma-carried away: Direk JOEL, ‘di pa na-experience na may artistang tinablan sa ‘intimate scene’

INAMIN ni Direk Joel Lamangan na mahirap gumawa ng mga intimate scenes.

 

 

Marami na rin naman siyang nagawang pelikula na sexy at ang marami rito ay may intimate scenes na involved ang mga artista.

 

 

Sa presscon ng movie na Moonlight Butterfly, sinabi ni Direk Joel na dapat bawat intimate scene na gagawin niya sa pelikula ay iba sa previous movie na nagawa niya.

 

 

Kailangan din na dapat maipaliwanag niya sa kanyang artista, babae man o lalake, ang kahalagahan ng nasabing eksena sa movie.

 

 

Sa tagal na niya sa paggawa ng movie, hindi pa naman na-experience ni Direk Joel na ang artista niya ay tinablan sa intimate scene.

 

 

“Wala pa naman nangyaring ganyan sa anumang pelikula ko. Pero kung sakali something like that happens, I will call the attention of the actors,” wika ni Direk Joel.

 

 

“Hindi naman dapat totohanin ang eksena. Kaya hindi siya dapat ma-carried away ng eksena. Dapat sumunod tayo sa tamang etiquette,” dagdag pa ng multi-awarded filmmaker.

 

 

Nakakahiya raw sa artista, lalo na sa artistang babae, pag may ganitong uri ng insidente sa shoot. Happily, hindi pa naman ito nangyari.

 

 

Sinabi rin ni Direk Joel na itong Moonlight Butterfly ay pwede niyang sabihin na one of his favorites sa mga movies na nagawa na niya.

 

 

“It is different. Hindi lang ito basta kwento ng isang babaeng pokpok. May malalim na pagtingin sa kwento na kaya pinasok ng lead actress ang pagiging pokpok ay dahil gusto niyang tumulong sa kanyang pamilyta. Eventually, sa takbo ng kwento, ay may gagawin siya na makatutulong sa bayan.”

 

 

Tampok sa pelikula sina Christine Belmas, Kit Thompson, at Albie Casino.

 

 

***

 

 

VERY thankful naman si Christine Belmas sa mga papuri sa kanya ni Direk Joel Lamangan.

 

 

Napaiyak pa nga siya nang marinig ang mga tinuran ng kanyang director.

 

 

Sinabi kasi ni Direk Joel na mahusay si Christine at nakita niya ang potential nito as an actress.

 

 

“Hindi po ako makapaniwala sa mga sinabi ni Direk Joel kaya ako naiyak,” wika ng dalaga. “Natutuwa po ako na naniwala sya sa kakayahan ko as an actress.”

 

 

While the audience find her sexy, sinabi ni Christine na sana raw ay makita ng mga tao ang potential niya as an actress.

 

 

“Siguro they just find me sexy pero sana they see my acting skills. Sana hindi nila ako makita na nakakahon sa image ng isang sexy actress. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko and I want to be good in it,” pahayag pa niya.

 

 

Nagpapasalamat din si Christine kay Len Carillo, na naka-discover sa kanya at nagbigay ng break para makabilang sa Belladonnas.

 

 

“Hindi po niya ako pinabayaan, pati ang grupo. Appreciated ko po ang mga experiences ko before as part of Belladonnas. Ngayon po ay unti-unti na namin naabot ang dreams naming.     “Thankful po ako kasi nakita niya may pangarap kami na gustong matupad at tinulungan niya kami.”

 

 

Mababait naman daw ang mga leading men niya na sina Kit Thompson at Albie Casino, “They make sure na covered ako at walang nakikita sa love scenes. Tinatanong din nila ako kung ano ang limitations ko.”

 

 

Among the movies she had done, pinakagrabe raw ang mga love scenes na ginawa niya sa Moonlight Butterfly.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.     Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]

  • 153K mag-aaral, tumanggap na ng ayuda – DSWD

    TUMANGGAP  na ng educational assistance ang may 153,315 mag-aaral sa una at ikalawang Sabado ng pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Bunsod nito, may kabuuang P387.9 milyon na ang naipamahagi ng DSWD sa buong bansa para sa naturang ayuda.     Noong Agosto 28 na ikalawang Sabado […]

  • TOM CRUISE AND CHRISTOPHER MCQUARRIE TEAM UP AGAIN FOR THEIR BIGGEST MISSION YET IN “DEAD RECKONING PART ONE”

    FOR the filmmakers of Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, the latest installment is a love letter to the whole Mission series.      “It’s absolutely that,” says Tom Cruise, who reprises his now iconic role of Ethan Hunt in the film, which he also produces. “People who haven’t seen the other Missions are going to enjoy […]