• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi napigilang ikuwento ni Betong: ALDEN, nakadalawang balikbayan box sa regalo ng mga kababayan

HINDI puwedeng mali-link sina Bea Alonzo at Carla Abellana sa kanilang leading men sa ‘Widows’ War’ dahil married na sina Rafael Rosell at Benjamin Alves.

 

 

 

Kinumpirma ni Rafael na kasal na siya sa longtime girlfriend na si Valerie Chia. Kinasal sila during the pandemic in April 2020.

 

 

 

“It was on the onset of COVID. We wanted 4/20/20 since it’s a special date and special number for us. Nagkataon lang talaga na nagka-COVID pandemic noong time na ‘yun but we decided to still push through.

 

 

 

“All the way ‘til April, naka-on pa rin ‘yung wedding invitations until we decided mid-April to cancel na talaga, kasi naka-mask na lahat, extreme lockdown. Hindi na namin tinuloy ‘yung ceremony but the signing of the papers, tinuloy,” kuwento ni Rafael na may plano pa ring bigyan ang kanyang bride ng magandang wedding.

 

 

 

Kinasal si Benjamin kay Chelsea Robato last January. Bago mag-taping for ‘Widows’ War’, sinulit ng aktor ang kanilang honeymoon sa Europe at USA.

 

 

 

Pero mukhang wala pang plano na magkaroon ng baby ang dalawa dahil enjoy ang mag-asawa mag-travel at sa kanilang mga pet dogs.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI napigilang ikuwento ni Betong Sumaya na nakadalawang balikbayan box si Alden Richards ng regalo mula sa ating mga kababayan sa isang pinagsamahan nilang show abroad.

 

 

 

Kuwento ni Betong na sa isang meet-and-greet, binibigyan sila ng regalo ng mga fans. Happy na si Betong kahit makatanggap siya ng dalawa o tatlong regalo.

 

 

 

“Si Alden ang nakakatanggap ng pinakamaraming regalo. Naglalambing nga kami sa kanya na i-share naman niya yung ibang chocolates. Dahil napakabait ni Alden, nagse-share talaga siya sa amin ng ibang gifts niya.”

 

 

 

Nasa dalawang shows sa Canada si Alden in August para sa Sparkle World Tour 2024. Si Betong naman ay sa Japan mag-show sa September.

 

 

 

***

 

 

 

KAYA nang pag-usapan ni Jamie Foxx ang kanyang naging sakit noong nakaraang taon habang nasa set ito ng pelikulang ‘Back In Action’ with Cameron Diaz.

 

 

 

“Look, April 11 last year. Bad headache. I asked my boy for an Advil. I was gone for 20 days. I don’t remember anything. So they told me — I’m in Atlanta — so they told me my sister and my daughter took me to the first doctor. They gave me a cortisone shot. The next doctor said, ‘Something’s going on up there.’”

 

 

 

Pinasok ang Oscar-winning actor sa isang physical rehab facility in Chicago that specializes in stroke recovery.

 

 

 

Naging maingat na raw ang aktor: “Cherish life, man. I cannot tell you. I have some people in my life that really made sure I was here. Everybody wants to know what happened, and I’m gonna tell you what happened, but I gotta do it in my way. I’m gonna do it in a funny way. We’re gonna be onstage. We’re gonna go back to the stand-up sort of roots.”

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Sec. Roque, pinalagan ang patutsada ni Sen. Gordon

    PINALAGAN at pinabulaanan ni Presidential spokesperson Harry Roque na nakikialam at nakikisawsaw siya sa sigalot sa pagitan ng Philippine Red Cross’ (PRC) at Philippine Health In- surance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa unpaid COVID-19 tests.   Ayon kay Sec. Roque, ang kanyang mga pahayag sa usapin ay bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Hindi […]

  • Campaign period, sinimulan sa proclamation rally

    OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan.     Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables.     Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang […]

  • ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

    ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.     Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]