• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.

 

Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque ng iskor na “8 out of 10″ sa isyu ng kampaya na linisin ang burukrasya.

 

Ayon kay Sec. Roque, may ginawa nang mga hakbang ang Pangulo para walisin ang mga corrupt officials, habang ang pakikipaglaban naman nito sa korapsyon ay nananatiling “unfinished business.”

 

“We’re satisfied pero hindi po talaga natanggal. Aaminin naman mismo ng Presidente ‘yan,” ang pahayag ni Sec. Roque sabay sabing “This is one of the unfinished business na sinasabi ng President so by grade I think I would give the President an 8 out of 10 on corruption.”

 

Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Duterte na gagamitin niya ang natitira niyang termino para habulin ang mga corrupt public servants.

 

Nauna nang ipinangako ng Chief Executive na tatapusin nito ang korapsyon kapag tumakbo siya sa pagka-pangulo.

 

Dismayado kasi ang Pangulo sa walang katapusang korapsyon sa pamahalaan at kalaunan ay inamin na imposible na mapuksa ang banta ng korapsyon.

 

BIlang bahagi ng kanyang pinaigting na anti-corruption campaign, binabasa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan kanyang sinisibak o sinusupinde na mga taong sangkot di umano sa korapsyon.

 

Giit ni Sec.Roque, hindi kinukunsinti ng Pangulo ang korapsyon sa gobyerno.

 

“Saan ka naman nakakita ng president na linggo-linggo sa ‘Talk to the People’ ay binabasa ‘yung pangalan ng nasisibak sa gobyerno. It’s to show by means of example to others na hindi kinokonsinte ang korapsyon pero syempre ang katotohanan ay naririyan pa rin,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang taon ding nabakante sa pag-arte: MARIAN, aminadong mangangapa sa pagbabalik-serye at sa pelikula

    AMINADO si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mangangapa siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na mabakanteng gumawa ng pelikula at teleserye.     Inaayos na nga nina Marian at Dingdong Dantes ang kanilang schedule para sa nakaka-excite na reunion movie nila na “Rewind” under Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na idi-direk […]

  • EVERYTHING IS BIGGER IN “MEG 2: THE TRENCH”, SAY FILMMAKERS

    FOR director Ben Wheatley, the goal for “Meg 2: The Trench” was simple: “Taking ‘The Meg’ and supercharging it – bigger creatures, bigger action, bigger monsters, bigger environments, bigger equipment – the whole thing. Bigger.”       Watch the trailer: https://youtu.be/HwokLHOYd5c       The cast also got a very welcome addition that helped supersize […]

  • Philippine Multisectoral Nutrition Project, ipapatupad sa 235 LGUs – DSWD

    IPATUTUPAD ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa 235 local government units (LGUs) na may pinakamataas na pasanin ng childhood stunting at undernutrition, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa ilalim ng proyekto, ang mga kalahok na munisipalidad ay tatanggap ng mga support package mula sa Philippine Multisectoral Nutrition Project […]