Hindi pagibibigay ng 13th month pay, insulto
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
INSULTO at hindi makatarungan para sa mga manggagawa ang hindi pagbibigay ng 13th month pay, ayon sa Caritas Philippines.
Ito ang binigyan diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo National director ng Caritas Philippines hinggil sa mungkahing pagpapaantala ng pagbibigay ng dapat na benepisyo sa mga kawani na nasaad din sa saligang batas ng Pilipinas.
Ayon sa obispo, hindi maikakaila na mas labis na naapektuhan ng krisis na dulot ng pandemya ang mga manggagawang Filipino na ang ilan ay hindi pa rin nakakapasok o tuluyan ng walang papasukang trabaho.
Una na ng inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mungkahing ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga small and medium enterprises dahil sa epekto ng krisis sa maliit na mamumuhunan.
Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang pagbibigay ng suporta sa mga kawani upang ipanawagan ang pagtutol na ipagpaliban ang pamamahagi ng 13th month pay.
Tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya base na rin sa pag-aaral ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP). (Gene Adusara)
-
Mas nagiging future-oriented na siya: JILLIAN, ibinenta na ang sports car kapalit ng mga lupain
IBINENTA na ni Jillian Ward ang iba niyang mga sasakyan. Noon ay napabalitang bumili si Jillian ng mga (yes, mga dahil mahigit isa o dalawa) mamahaling kotse o sports car na milyun-milyon ang halaga. Kinabiliban nga si Jillian ng mga netizens at maging kapwa niya artista dahil bago pa man mag-eighteen […]
-
Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa
PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat […]
-
Ads November 18, 2023