• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program para maibigay ng mga employers ang 13th month pay ng mga empleyado.

 

Sa House Resolution 1310 na inihain ng kongresista, hinihiling nito sa pamahalaan partikular sa DOLE ang pagkakaroon ng subsidy program upang pondohan at tulungan ang mga distressed businesses at employers lalo na ang mga microsmall and medium enterprises (MSMEs) na maibigay sa mga empleyado ang bonus bago mag Pasko. Nakasaad sa resolusyon ang pag-aatas sa DOLE na maglaan ng P13.7 Billion para maibigay ang 13th month pay ng lahat ng mga empleyado at manggagawa.

 

Batay sa record ng DOLE, aabot sa 1.5 million workers ang apektado ang mga trabaho ng pandemya habang 5.1 million displaced at distressed workers naman ang tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Bunsod ng mahigpit na community quarantine na nauwi sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo ay maraming employers ang wala nang pondo para sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado kahit pa gusto nilang maibigay ito.

 

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mangangailangan ng P5 Billion hanggang P13.7 Billion para ma- subsidize ang 13th month pay ng mga empleyado mula sa MSMEs. (Ara Romero)

Other News
  • Tatapusin na ng UP!

    Puntirya ng University of the Philippines na masikwat ang kampeonato laban sa defending champion A­teneo de Manila University sa paglarga ng Game 2 ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Muling magtutuos ang Fighting Maroons at Blue Eagles sa alas-6 ng gabi kung saan […]

  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]

  • Dinemanda ang netizen na tinawag siyang ‘baog’: ALEX, pinatawad na ang basher pero dapat maayos na mag-public apology

    TINANONG namin si Alex Gonzaga, sa launch niya bilang endorser ng Chef Ayb’s Paragis Tea and Capsule kung anong bashing ang nasaktan o naapektuhan siya.   “Hindi ako nasaktan personally. Pero tingin ko kailangang mag-stop yung kapag sinasabihan kang baog.”   “Sa gender, very sensitive na po tayo ngayon. Even sa body shaming. Pero bakit […]