Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na
- Published on November 10, 2021
- by @peoplesbalita
BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian.
Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida home at ngayon, level-up na talaga dahil may Floravida clothing na rin siya.
Halatang enjoy si Marian sa ginagawa na very hands-on sa kanyang business at the same time, very hands-on din sa pag-aalaga sa kanyang mag-aama, lalo na ngayong pandemic. At the same time nga, tuloy-tuloy pa rin sa kanyang Tadhana hosting at sangkaterbang endorsements. Heto’t may bago pa siya, ang Globe.
Kaya kahit na magkahiwalay ngayon dahil naka-lock-in taping si Dingdong para sa isang short teleserye sa GMA-7 at sa tila miss na miss na agad ang isa’t-isa dahil sa reply ni Marian sa IG post ni Dingdong na, “Awww mahal ko. Salamat. I miss you.”
At buong pagmamalaki na caption nga ni Dingdong para sa kanyang maybahay, “As you launch your new product line today, please know that I am so proud of how empowered you’ve become as a woman, as actress, a wife, a mother and an entrepreneur.
“You have worked hard for this, and I have personally witnessed your perseverance in sharing your talent, gifts and passion with as many people as possible through Flora Vida.
“Kaya naman sobrang excited ako para sa ‘yo! Buksan na ang tindahan! And when they ring it, I’d gladly bring it.”
‘Sana All’ talaga ang tandem in and out cam gaya ng DongYan.
***
HININGA nga ni Judy Ann Santos ang binigay niya para sa anak na si Yohan Agoncillo.
Open naman si Juday at Ryan Agoncillo na adopted nila si Yohan pero since baby ito, talagang masasabing ibinigay at ibibigay ni Juday ang hininga niya para sa anak.
Gano’n niya ito kamahal.
Sa Instagram post ni Juday, pinost niya ang mga letter balloons para sa 17th birthday ni Yohan at nag-caption siya na, “Hininga ko lahat yan anak…”
At sa kanyang birthday message rito, hindi ito makapaniwalang 17 years old na ang anak at nagugulat din daw siya kung paano, halos pareho sila sa maraming bagay kaya “twin” ang tawag niya.
Sabi ni Juday, “17!!?? What??? No!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways (kahit ako nagugulat) It’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.
“You’re doing great my love… life can be tough and unforgiving… but, don’t you worry my dear love… mommy and daddy wull be behind you all the way. (Hanggang manabang ka!) We love you so much sweetheart. Happy Birthday our forever baby girl.”
At saka ito may pahabol na next year daw, ika-count na nilang pabaligtad ang edad nito.
(ROSE GARCIA)
-
SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong
NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac. Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating […]
-
Mister kinatay ng kapitbahay sa Navotas
SINAMPAHAN na ng pulisya ng kaso ang isang mangingisda na walang habas na inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naka-alitang kapitbahay sa Navotas City. Kasong murder ang isinampa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa Navotas City Prosecutor’s Office laban sa 43-anyos na si alyas […]
-
‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI
Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu. Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente. Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]