• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH

KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.

 

Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito na hindi pa rin natitigil ang pagkalat ng COVID-19 at mahigpit ang panga-ngailangang ma contain ang virus.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na sa ganitong emergency situation at hindi naman talaga pangkaraniwan ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para pigilan ang COVID- 19, hindi mag-aatubili ang mga mambabatas na aprubahan ang pagpasa ng hinihinging supplemental budget.

 

Kaya nga, naniniwala si Sec. Panelo na hindi na kailangan pang susugan ni Pangulong Duterte ang mga mambabatas para lamang ipasa ang hinihinging supplemental budget, dahil may kusa naman ang mga ito para sa mga dapat nilang gawin lalo na sa panahon ng emergency.

 

Sa kabilang dako, gaya ng nauna nang ginawang hakbang ng gobyerno sa mga Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess cruise ship, handa rin ang pamahalaan na ipatupad ang katulad na health safety protocol sa mahigit 500 Pilipinong sakay ng isa na namang cruise ship na hinold sa California dahil sa COVID- 19.

 

Ani Sec. Panelo na makabu-buting hintayin na muna ang development hinggil dito, dahil sa ngayon ay wala pa namang request para sila ma repatriate o mapabalik dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd, hinikayat ang student-athletes na mag- apply para sa NAS scholarship

    HINIKAYAT ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor na mag-apply para sa scholarship sa National Academy of Sports (NAS) para ma-improve o maging mahusay pang lalo ang kanilang academic at sports skills.     “I am urging all the student-athletes from all sectors of the society, including indigenous […]

  • Philhealth, kailangang ayusin ang serbisyo sa mga miyembro-PBBM

    KAILANGANG ayusin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo sa mga miyembro nito sa oras na maipatupad na ang premium hike.     Iyon ay sa kabila ng hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang adjustment sa premium rates ng PhilHealth.     Aniya, nais niyang makita na tumaas […]

  • Ads March 7, 2023