• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holdaper na nasa top 10 most wanted person, nasilo ng Valenzuela police sa Pasig

NASAKOTE ng pulisya ang umano’y pinakalider ng gang na sangkot sa panghoholdap sa isang vape shop sa Valenzuela City, sa isinagawang manhunt operation sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Enero 22, 2024 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Branch 285, dinakip ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura, Jr, ang akusadong si alyas “Llamas”, residente ng Binangonan, Rizal, na kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng lungsod, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Si Llamas at isa pang akusado ang umarkila ng ginamit na sasakyan nang isagawa ang panghoholdap sa isang vape shop na pag-aari ng mag-siyota sa Del Rosario St. Brgy Marulas noong Disyembre 5, 2023 kung saan natangay nila ang may P2.4 na halaga ng cash at mga produkto.
Sa ginawang follow-up operation ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police, naaresto rin kaagad sina alyas Hermoso, 37, Gascon, 38, at Fresto, 32, matapos matunton sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ng inarkila nilang sasakyan, sa tulong na rin ng may-ari nito, at nabawi ang P304,800.00 halaga ng produkto.
Itinuro nila sa Llamas na umano’y may pakana sa panloloob na naging daan upang maglabas ng arrest warrant ang hukuman na may inilaang piyansang PP100,000.00 para sa pansamantalang paglaya.
Ayon kay Col. Destura, ang grupo rin ng mga akusado ang itinuturong nangholdap sa isa ring vape shop sa Sta Ana, Maynila at tumangay sa P1.8 milyong halaga ng produkto at salapi noong Agosto ng nagdaang taon. (Richard Mesa)
Other News
  • NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA

    NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes.   Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.   Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]

  • Higit 5,000 dagdag na COVID case sa PH, halos 100 bagong nasawi – DOH

    Mula sa 6,216 kahapon, bahagyang bumaba sa 5,479 na ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,548,755 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Sa ilalim ng […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagbigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag hinggil sa COVID-19 vaccine program

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office-Public Health ng Media Literacy hinggil sa COVID-19 Vaccine Program  sa ilang mamamahayag sa Bulacan sa pamamagitan ng Google Meet kahapon.     Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag dahil katuwang […]