• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holdaper na sumapak at sumaksak sa tindera sa Valenzuela, kalaboso

SHOOT sa selda ang isang holdaper na sumapak at sumaksak sa biniktima niyang tinder ng ‘ukay-ukay’ nang masapol sa kuha ng CCTV camera ang kanyang pagtakas sa Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni P/Col Salvador Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagpanggap na kostumer ang suspek na si alyas “Aksel”, 30, construction worker nang pumasok sa tindahan ng ukay-ukay sa Tongco St. Brgy. Maysan, Biyernes ng hapon.

 

 

Nang makatiyempo, tinutukan ng suspek ng patalim ang tinderang si Renalyn, 19, at ipinasok sa banyo saka doon na sinapak at sinaksak ng dalawang beses sa tiyan.

 

 

Matapos nito, nagpalit ng damit ang suspek saka tumakas tangay ang P3,500.00 na pinagbentahan habang isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan siya ginagamot.

 

 

Kaagad bumuo ng team si Col. Destura mula sa mga operatiba ng Sub-Station-9, Station Intelligence Section (SIS), Station Investigation Unit (SIU), at Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna nila PCpt Richie Garcia, PLt Armando Delima, PLt Ronald Bautista, at PCpt Robin Santos para sa pagtugis sa suspek.

 

 

Sa ginawang backtracking ng pulisya sa kuha ng mga CCTV sa lugar, nakita ang pagpasok ng suspek sa tindahan pati na ang paglabas na iba na ang suot na damit hanggang sa pagsakay ng tricyle patungo sa construction site na kanyang pinagta-trabahuhan sa R. jacinto St. Brgy. Canumay na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

 

 

Positibong kinilala ng tindera ang suspek nang dalhin ng mga pulis sa pagamutan kung saan nakaratay pa ang biktima sanhi ng tinamong saksak sa tiyan.

 

 

Ayon kina P/Cpl Larry Legazpi at P/SSg Julius Congson, kasong robbery with physical injuries ang inihain nila sa piskalya ng Valenzuela City laban sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Gross domestic product sa Pilipinas inaasahang lalago – World Bank

    KUMPIYANSA ang World Bank na makakabawi ang Pilipinas sa consumption   Ang consumption o pagkonsumo ay tumutukoy sa mga private consumption expenditures o paggasta ng mga mamimili.   Sa ulat ng East Asia at Pacific Economic Update Oktubre 2022 na inilabas, inaasahan na ngayon ng World Bank ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng […]

  • Petecio, Diaz major awardees ng SMC-PSA

    BOXING world champion at Olympic silver medalist ang mangunguna sa gagawaran ng major awards sa susunod na buwan sa taunang SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Sila ay sina Nesthy Petecio at Hidilyn Diaz na kabilang sa 12 personaheng major awardees mula sa pinakamatagal na media organization sa […]

  • GOVT SERVICES SA NAVOTAS MAAARING ISARA

    Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ni Mayor Toby Tiangco na maaari pansamantalang  ipa-shutdown muna ang government services sa lungsod.     Aniya, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para […]