• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House painter kulong sa P115K droga sa Caloocan

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 48-amyos na house painter na sangkot umano sa ilegal ba droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas “Remuel”, ng Ph8ABlk 171  Lot 3 Pkg 12, Bagong Silang.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta, habang nagpaparulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Bagumbong Road, Brgy. 171 nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang nagaganap umanong drug trade malapit sa lugar.

 

 

Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-2:00 ng madaling araw.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa suspek ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P115,600.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan dahil sa kanilang mga inilatag na police visibilty at pagpapatrulya sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • DOTr: Accomplishment Report sa ilalim ng Duterte Administrasyon

    Naglatag ng accomplishment report and Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Duterte administrasyon kung saan may mga game-changing transport infrastructure projects, programs at initiatives sa apat na sector nito ang natapos at nagawa habang ang iba naman ay nabigyan ng solusyon ang matagal ng problema sa transportasyon.       Sa sector ng aviation […]

  • Resolusyong maglabas ng P10-K ayuda sa nasalanta ng bagyo lusot sa House committee

    Lusot na sa isang komite ng Kamara de Representantes ang resolusyong nais magpabilis sa pagbibigay ng libu-libong ayuda para sa mga nasalanta ng mga nakaraang sakuna.     Lunes nang iulat ng Gabriela Women’s Party na pasado na sa House committee on social services ang House Resolution 1402, bagay na nananawagang pabilisin ang P10,000 cash assistance […]

  • Seniors, edad 21 pababa puwedeng magparehistro – Comelec

    Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na maaari namang magtungo sa kanilang mga tanggapan at magparehistro ang mga senior citizen at mga nasa edad 21-anyos pababa makaraang makapagtala ng mababang bilang ng nagpaparehistro ang ahensya nang buksan ito nitong Setyembre 1.   Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi naman umano ganap na ipinagbabawal […]