• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa

ANG  “house-to-house/person-to-person” na pa­ngangampanya ng mga taga-suporta ng tamba­lang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.

 

 

Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.

 

 

“Ano pa ang mas inspi­ring na larawan kaysa sa mga tao na may iba’t ibang social background pero sabay-sabay nagbabahay-bahay at ‘di alintana ang init at ulan para ikampanya lamang si VP Leni?” ani ni Trillanes, na tumatakbo sa pagka-senador.

 

 

Ayon kay Trillanes ang “class divisions” ay natunaw sa lakas ng mensahe ni Robredo ng “love and unity.”

 

 

Sinabi niya na ito ay patunay ng abilidad ni Robredo na ilabas ang pinakamabuti at pinakamagaling sa mga Filipino.

 

 

Aniya, ang mga taga-kampanya ni Robredo sa ibaba ay may kanais-nais na “aura” at may masa­yang disposisyon.

 

 

Aniya, isang patunay sa inspirasyon na bigay ni Robredo ang mga artista at singer na gumagawa ng mga libreng kon­syerto. Ito ay hamon, ayon kay Trillanes, para sa mabu­buting “influencers” na lumabas sa kanilang “comfort zones.”

 

 

“Hindi nga pumupunta sa grocery, pero para kay VP Leni, tinatagos mga palengke,” dagdag niya. (Daris Jose)

Other News
  • JOHN, level-up na ang career dahil isa na sa direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    INANUNSYO ng Cornerstone, ang talent agency ni John Prats, na nag-level up na ang career ng dahil isa na rin siya direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.     In fact, nabasa na nga name ni John bilang isa sa co-directors ng action-drama series ng ABS-CBN.     By accident ang pagpasok ni John sa pagdidirek. Ang […]

  • FIBA saksi sa PBA bubble

    NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.   Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11. […]

  • Happy 38th Anniversary People’s Balita