• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Household lockdowns,’ inirekomenda sa pamahalaan dahil sa pagsirit ng COVID cases

Nananawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na magpatupad ng “household lockdown” sa harap nang surge ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa bansa.

 

 

Sa isang statement, sinabi ng ekonomistang kongresista na kailangan na magkaroon ng mas marami pang “localized lockdown” para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Quimbo, ang isang bahay na mayroong COVID positive patient ay kailangan na isailalim sa lockdown at lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatira rito ay dapat na maibigay sa kanila sa tulong na rin ng mga local government units.

 

 

Mahalaga rin aniyang mabigyan sila ng sapat na cash, at hindi lamang ng in-kind assistance, bukod pa sa sick leave para sa mga nagtatrabahong miyembro ng household.

 

 

Kahapon, inanunsyo ng pamahalaan ang pagpapalawig ng isa pang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ) status sa mga lugar na sakop ng NCR (National Capital Region) Plus dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa bansa.

 

 

Iginiit ni Quimbo na mawawalang saysay ang pagpapalawig sa ECQ kung hindi naman babaguhin ng Department of Health ang approach nito sa pagresolba sa mga problemang hatid ng pandemya.

Other News
  • Pasok sa trabaho sa mga govt offices sa Abril 5, suspendido simula alas-12:00 ng tanghali

    SINUSPINDE na  ng Malakanyang ang trabaho sa government offices sa Abril 5, 2023  mula alas-12 ng tanghali, araw ng Miyerkules upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe,  papunta sa o pauwi mula sa iba’t  ibang rehiyon sa bansa.     Ito’y bilang pagtalima na rin  sa regular […]

  • Ho nagpaalala sa bakuna

    TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa.     Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito […]

  • P6B emergency loan, inilaan ng GSIS para sa maapektuhan ng bagyong Betty

    NAGLAAN  ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loan ngayong taon para sa mga miyembro at pensioners nito na maapektuhan ng kalamidad.     Ang anunsiyong ito ng ahensiya ay kasabay na rin ng pagpasok ng bagyong Betty sa Philippine area of responsibility.     Ayon kay GSIS President at General […]