• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna

NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.

 

 

Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na may ilang sitwasyon na masyadong matagal magdesisyon o magbigay ng rekomendasyon.

 

 

Dagdag ni Garin, habang ang ibang mga bansa ay nagtuturok na ng COVID-19 booster shot, ang HTAC ay hindi pa nakakapagpasya kung kailan magbibigay nito at naghihintay pa rin sa resulta ng kanilang mga clinical trial.

 

 

Depensa ng HTAC, ang pagkasayang ng mga COVID-19 vaccine ay maiuugnay sa hindi paggamit sa bakuna dahil sa pag-aalinlangan ng mga taong magpaturok, problema sa logistic, labis na pagtatantya sa pagbili dahil sa hindi naaangkop na mga pagpapalagay at hindi pagkakaunawaan ng private at public sector sa logistic mobilization.

 

 

Hindi umano hawak at kontrolado ng HTAC ang pamamahala sa naturang mga proseso katulad sa negosasyon sa pagbili ng bakuna, presyuhan nito, desisyon sa pagbili ng pribadong sektor, pagpaplano, forecasting at deployment ng mga COVID-19 vaccine.

 

 

Ang inilalabas umano nilang rekomendasyon ay nagsisilbing gabay para sa DOH at Philippine Health Insurance Corporation sa pagdedesisyong pinan¬syal sa pagbili ng mga health technology.

 

 

Binigyang-diin ng HTAC na kailanman ay hindi sila naging dahilan ng pagka-delay sa implementasyon ng booster shot.  (Daris Jose)

Other News
  • Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

    AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.     Ilan sa pangunahing bakanteng […]

  • Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections

    TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.   Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo […]

  • Ads June 8, 2024