• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling Comelec presidential, VP debates hindi na itutuloy

HINDI NA matutuloy ang huling PiliPinas Forum 2022 na inihanda ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa maraming conflicts sa schedule ng mga presidential at vice presidential candidates dulot ng unang postponement ng mga debate na nakatakda sana noong weekend.

 

 

Biyernes lang nang sabihin nina presidential at VP candidate Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na baka hindi sila makapunta sa debates na inilipat sa ika-30 ng Abril at ika-1 ng Mayo dahil may mga ini-schedule na sila sa mga petsang ito bago ang eleksyon.

 

 

“The Commission on Elections, in partnership with the Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP), has announced that the concluding event of the Pilipinas Forum 2022 Series will no longer be Vice-Presidential and Presidential Twon Hall Debates,” wika ng poll body, Lunes.

 

 

“In consideration of the inevitable scheduling conflicts as the candidates approach the homestretch of the campaign period, and as advised by the KBP, the COMELEC will now be adopting a Single Candidate/Team-Panel interview format.”

 

 

Matatandaang hindi natuloy ang mga debate na nakatakda sana nitong nakaraang ika-23 at ika-24 ng Abril kasunod ng ilang isyu sa pagbabayad diumano sa Sofitel Hotel.

 

 

Una nang iniulat na hindi pa nababayaran ng Vote Pilipinas — na organizing partner ng Comelec — ang utang na nagkakahalaga ng P14 milyon.

 

 

Bukod pa rito, binanggit ni Sotto na nawawalan sila ng motibasyon pumunta sa rescheduled debates lalo na’t hindi naman daw dumadalo ang ilang kandidato, bagay na tila patama kina presidential at VP candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Una nang sinabi ng kandidatong si Sen. Manny Pacquiao na dadalo lang siya sa Comelec debate kung sisiputin na ito ni Bongbong.

 

 

Dati nang hinamon ni Pacquiao si Bongbong ng “one-on-one” na debate dahil sa kanyang pag-“no show” sa mga nakaraang harapan ng mga kandidato. (Gene Adsuara)

Other News
  • Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina

    INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year.     Kaya nasabi niya […]

  • Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno

    HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa.   Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya.   Aniya, […]

  • TOTAL CASHLESS FARES SA PUBLIC TRANSPORT HUWAG ISULONG – DAPAT MAY OPTION ANG MGA PASAHERO!

    Dahil panahon ng pandemya ay marami ang nagsusulong ng cashless transaction para maiwasan ang skin contact at pigilan ang hawaan ng COVID-19. Ok yan! Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera.  Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Samantala, yung one […]