Huling SONA ni PDu30 magiging simple at ilalahad ang nagaganap na reyalidad sa ground- Andanar
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Presidential Communications Operations Office (PCOO)na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 26, 2021.
Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic speech.
Aniya, ilalahad ng Punong Ehekutibo ang reyalidad sa ground lalo na at kasalukuyan pa ring may presensiya ng pandemya, mga pili o importanteng nagawa at mga naging pagbabago sa nakalipas na limang taon.
Sinabi ni Andanar na matagal na nilang pinaghahandaan ang huling pag- uulat sa Bayan ng Pangulo habang nailatag na aniya na din ng grupo ng mga speech writers ang accomplishment ng Presidente.
Mula naman dito ay bahala na si Pangulong Duterte kung ano ang nais niyang maisama sa kanyang talumpati sa SONA lalo’t hindi naman mababangit lahat ang mga nagawa na nito sa kanyang panunungkulan.
Ani Andanar, ilan rito ay tungkol sa Build, Build, Build; Free tuition act, nakuhang benepisyo ng mga retirees, anti- corruption, may kinalaman sa peace and order at iba pa. (Daris Jose)
-
Arayi, Lim sa WNBL Draft
MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito. Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at […]
-
Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD
IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na […]
-
WALONG TULAK HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG QCPD
HULI ang walong tulak ng shabu matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD). Kinilala ni QCPD Director P/BGen Danilo Macerin ang apat na nadakip ng Fairview Police Station 5 na sina John Mark Ortega, 29, Orlando Vidal, 47,na pawang nasa drug listed personality ng Brgy. Sta. Lucia […]