Humihingi ng danyos sa halagang $30 million: Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng sexual assault ng dating empleyado
- Published on February 29, 2024
- by @peoplesbalita
WALA pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career.
Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay.
“Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko.
“Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko ‘yung goal ko noong pasukin ko ang showbiz,” sey ni Analyn na nasa cast ng ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.
Tinanong namin kay Analyn kung tinuloy ba ni Empoy Marquez ang pagligaw sa kanya?
Inamin kasi noon ni Empoy na crush nito si Analyn at nagpaparamdam daw siya rito.
“Empoy is a caring friend. Noong naggi-guest siya sa ‘Bubble Gang’ at kapag may skit kami, maalaga siyang tao talaga. Pero like what I said, hindi lovelife ang concern ko sa ngayon.
“Career muna talaga. Alam naman ‘yan ni Empoy. Pero ‘yung friendship namin, it’s always there.
“Ngayon kasi pareho kaming busy ni Empoy. Meron siyang taping for ‘Black Rider’ at meron akong ‘Lilet Matias’. Actually, inimbitahan niya ako sa premiere night ng isang movie niya, hindi lang ako nakapunta dahil sa taping ko rito.
“Pero sinabi ko naman na kung wala lang akong taping that day, pupunta talaga ako to support him. Sa next movie na lang niya ulit, my friend!”
***
PAGKATAPOS ng mahabang pahinga sa showbiz, nagbabalik si Tom Rodriguez at aktibo na ulit siya sa social media.
Mas pinili raw muna ni Tom ang tahimik at simpleng pamumuhay sa Amerika kasama ang kanyang pamilya sa Arizona. Ang dapat na dalawang linggo lang na bakasyon ay nauwi sa dalawang taon.
“Two weeks lang dapat ako nando’n. Nawili rin ako. Long story short, I really had to take time to really recover and now, I do feel na buo na ako ulit. Nawili din ako na when I started taking on responsibilities for myself, maintaining the household, learning to cook, learning to do laundry, mag-grocery, couponing, all that stuff. Na-enjoy ko,” sey ni Tom sa naging back-to-basic na pamumuhay doon.
Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, naghahanda si Tom sa kanyang pagbabalik sa teatro para sa concert version ng ‘Ibarra: The Musical’, na ilalabas sa second quarter ng 2024.
“I’m glad na they offered me this role. I’ve been really yearning to be back into theater and napagbigyan uli,” sey ni Tom na na-miss ang mag-perform ng live sa teatro.
After niyang burahin ang mga dating pinost niya sa kanyang Instagram account, naninibago raw ulit si Tom sa pagbalik niya sa social media. Ngayon ay puro muna mga selfies at videos niya ang naka-post sa kanyang IG account. Meron na rin daw siyang TikTok account.
“Medyo hindi pa ako sanay mag-social media uli. So I’ve been trying to force myself to go back. I’m on TikTok din, I’m starting to push myself out of my comfort zone kasi nakaka-spoil pala ‘yung wala. It’s nice din to reconnect with the people. Kaya I’m trying to push myself to go out of my ermitanyo mode,” tawa pa ni Tom na nag-off-the-grid noong 2022 noong maghiwalay sila ng ex-wife na niya ngayon na si Carla Abellana.
***
SINAMPAHAN ng bagong demanda ang American rapper and record producer na si Sean “Diddy” Combs ng sexual assault ng kanyang dating empleyado.
Nag-file noong nakaraang February 26 ng lawsuit sa New York Federal Court si Rodney “Lil Rod” Jones laban kay Diddy. Ayon kay Jones, he was “sexually harrassed, drugged and his life threatened” by Diddy. He is seeking $30 million in damages.
Nagtrabaho si Jones kay Diddy bilang videographer at nag-produce siya ng 9 songs sa bagong album ng rapper na may titulong “Love” from 2022 to 2023.
Kasama rin sa 73-page lawsuit ay ang anak ni Diddy na si Justin Combs, his chief of staff, Kristina Khorram, Universal Music Group CEO Sir Lucian Grainge and former Motown Records CEO Ethiopia Habtemariam.
Ayon sa legal counsel ni Jones: “He witnessed, experienced, and endured many things that went far beyond his role as a producer on the Love album. Throughout his time living with Mr. Combs, Mr. Jones was the victim of constant unsolicited and unauthorized groping and touching of his anus by Mr. Combs.”
Hawak din ni Jones ang ilang hours of footage and audio recordings bilang patunay sa mga illegal activities ni Diddy at ng kanyang staff tulad nsa lang sa pag-provide nito ng laced alcoholic beverages to minors and sex workers sa kanyang bahay sa California, New York, the U. S. Virgin Islands, and Florida.
Pinabulaanan naman ng lawyers ni Diddy ang mga akusasyon na ito ni Jones.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Kris, nag-power trip kaya ayaw nang maka-trabaho nina Lolit at Cristy
MAY isang oras kaming nakatunganga at nag-iisip bago namin simulan ang balitang ito dahil pareho naming mahal ang dalawang taong bida sa kuwento namin. Sina ‘Nay Cristy Fermin na nanay ko sa showbiz at isa sa mentor ko sa pagsusulat at si Kris Aquino na katrabaho naming halos dalawang dekada na at nakatulong sa […]
-
PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang […]
-
3 TNT staff pinagmulta
TATLONG staff ng Talk ’N Text ang pinagmulta matapos lumabag sa dress code ng Philippine Basketball Association (PBA). Pinadalhan ni PBA commissioner Willie Marcial ng sulat sina Ricardo Santos, Bong Lozano at Bong Tulabot kung saan pinagmulta ang bawat isa ng P1,000. Napag-alaman na naka-shorts lamang sina Santos, Lozano at Tulabot sa laban […]