• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF-EID, pinag-aaralan ang “total lifting” ng paggamit ng face shield

PINAG-AARALAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad na alisin na ang kasalukuyang polisiya ukol sa paggamit ng face shields sa bansa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay maaaring makapaghikayat sa IATF-EID na i- withdraw ang requirement ng pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask.

 

“I can confirm po na habang bumababa ang mga numero, eh pinag-uusapan na rin po kung ipagpapatuloy pa ang pagsusuot ng face shields,” ayon kay Sec. Roque, tumatayo rin bilang IATF-EID spokesperson.

 

Nitong Lunes, nakapagtala ang Pilipinas ng 3,117 bagong Covid-19 infections, dahilan para ang case count sa bansa ay pumalo sa 2,790,375.

 

Tinatayang may 43,185 active Covid-19 cases, 2,703,914 ang gumaling sa nasabing sakit , at 43,276 naman ang namatay.

 

Gayunman, nilinaw ni Sec. Roque na sa kabila ng pagbaba ng Covid-19 cases, hindi pa rin nagdedesisyon ang IATF-EID sa paggamit ng face shields.

 

“So, tama po kayo. Dahil bumababa ang numero, marami na ang nagsasabi sa IATF na na baka dapat itigil na rin ang pagsusuot ng face shields. Pero wala pa pong desisyon. So, suot pa rin po tayo ng face shield,” anito.

 

Pinaalalahanan naman ni Sec. Roque ang publiko na patuloy na magsuot ng face shields sa mga enclosed at matataong lugar. (Daris Jose)

Other News
  • Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI

    MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.   Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor.   “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]

  • JANINE, hangang-hanga kay BELA kaya gustong makatapat sa movie nila ni JC; ‘di pinangarap na maging beauty queen

    WINNER na winner sa mga nakapanood ng Dito at Doon ng TBA Studios ang pagtatambal nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon, na mula sa direksyon ni JP Habac.     Bukod sa napapanahong kuwento, napakahusay naman talagang naitawid nina Janine at JC ang character nina […]

  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]