IATF, pinag-uusapan na ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses ngayong buwan
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang posibilidad na magbalik na ang operasyon ng mga provincial buses bago matapos ang buwang kasalukuyan.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy na ang isinasagawang pagtalakay ng IATF upang masigurong maipatutupad ng maayos ang mga health protocols sa pagbabalik ng operasyon ng mga provincial buses.
Kaugnay nito, suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbabalik operasyon ng mga provincial buses.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pabor silang payagan nang muling bumiyahe ang mga provincial bus basta’t mailatag lamang ang mga kondisyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Aniya, dapat ay kontrolado ang pagbiyahe ng mga ito at matiyak na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health standard sa lahat ng oras.
Dapat din umanong ma-monitor ang ruta ng mga biyahe nito lalo na ang mga mula sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine hanggang modified GCQ areas kung saan dapat na maging mas mahigpit ang ipinatutupad na health protocols.
Napag-alaman na noong Miyerkules, inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board Chairperson Martin Delgra na posible nang buksan ang mga ruta ng mga bus mula Metro Manila patungo sa mga kalapit na lalawigan. (Daris Jose)
-
Ads September 4, 2023
-
Mahigit 27,000 barangay, nalinis na mula sa illegal na droga- Malakanyang
TINATAYANG 27,968 barangay ang nalinis na mula sa illegal na droga. Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos tukuyin ang report mula sa Philippine National Police (PNP). Ayon sa PCO, tinatayang P10.41 billion na halaga ng narcotics ang nasabat o nakumpiska mula Enero hang gang Disyembre ng nakaraang taon. […]
-
GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY
NASAWI ang isang 49-anyos na ginang nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon. Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga. Kinilala […]