• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, pinapayagan na ang mga establisimyento sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 na mag-operate ng 100% capacity

PINAPAYAGAN na ng gobyerno ang lahat ng establisimyento sa mga lugar na nasa Alert Level 1 na mag-operate “at full capacity” subalit kailangan na may proof of vaccination na maipapakita.

 

 

Ito’y matapos na amyendahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Sabado, Hunyo 4, 2022, ang guidelines ukol sa Nationwide Implementation of Alert Level Systems for COVID-19.

 

 

Kinikilala kasi ng government pandemic task force ang pangangailangan na i-identify ang mga establisimyento at/ o mga aktibidad na pinapayagan na mag-operate, o isinasagawa sa Alert Level 1.

 

 

“Having said this, IATF allowed full 100% capacity under Alert Level 1, subject to presentation of proof of full vaccination before participating in mass gatherings or entry into indoor establishments,” ayon kay Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar.

 

 

Samantala, ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na rin sa “full seating capacity.” (Daris Jose)

Other News
  • Mambabatas, hinihingan ng paumanhain si VP Sara Duterte hinggil sa pagsisinungling nito

    HININGAN ng paumanhin ng mga mambabatas mula kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagsisinungaling sa publiko matapos lumabas ang ulat na nasa Calaguas Island siya noong Lunes ng umaga, ang takdang araw na nakasalang ang kanyang opisina sa plenary budget deliberation sa Kamara.     Tinuligsa din nina House Assistant Majority Leaders Paolo […]

  • Binata kulong sa pagnanasa sa dalagang pinsan sa Navotas

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 19-anyos na lalaki matapos pasukin at pagnasaan ang kanyang pinsang buo habang natutulog ang dalaga sa loob ng silid nito sa Navotas City.     Naaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 araw ng Lunes ang binatang suspek na itinago sa pangalang “Gardo” makaraang maghain ng […]

  • Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI

    NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan.  Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng  price guide. Gayunman, may ilang manufacturers  ang nagpalabas ng  advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40. “Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para […]