• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iba ang dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur: KYLIE, naaawa na kay AJ kaya nilinis na ang pangalan bilang third party

SA pamamagitan ng kanyang Facebook Live nitong February 26 ay buong tapang na hinarap ni Kylie Padilla ang mga bagay-bagay tungkol sa sinasabing love triangle nila nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

 

 

Sa naturang post nilinis na si Kylie ang pangalan ni AJ na inaakusahang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.

 

 

“So, ‘di ba, wala pong halong ka-echosan and sana hindi ako pagalitan ng GMA.

 

 

“Hindi po talaga si AJ yung reason and that’s the truth.

 

 

“Hindi po talaga siya. Kung meron man, hindi po siya. So please, naaawa na rin po ako sa kanya,” ang pasabog na pahayag ni Kylie.

 

 

“I’m just waiting na may magtanong po talaga nung alam kong itatanong niyo yun.

 

 

“And gusto ko na po siyang sagutin ngayon kasi sa totoo lang guys, pagod na pagod na po ako sa kuwentong lumalabas na kabit, ganyan, ganito, ganyan.

 

 

“Guys tapos na po yung kuwento and I’m in a new chapter in my life.”

 

 

Ayaw na raw ni Kylie na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa isyu.

 

 

“Sa totoo lang po talaga. Ayoko na pong nakikita yung pangalan ko na naka… iyon yung mga tabloids na nababasa ko kasi.

 

 

“I’m working so hard to have a good career, na maganda yung trabaho ko. Alam mo yun, tapos iyon lang yung napapansin sa akin.

 

 

“Tapos na po, e. Siyempre, di pa tapos yung pag-aayos ng papeles, pero everything else, tapos na po talaga siya.

 

 

“So kung meron mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I’m going to talk about this. Happy na po ako.”

 

 

Sa ngayon ay sa kanyang showbiz career nakatutok si Kylie lalo pa nga at umeeere na sa GMA ang megaserye nila na ‘Mga Lihim Ni Urduja’ kung saan kasama niya sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez at marami pang iba.

 

 

Isa sa mga nanood sa Facebook Live ni Kylie ay ang sikat na social media personality na si Senyora na nagtanong kay Kylie kung, ‘Masaya ka ba talaga para kay AJ at Aljur. Ayan na tinanong ko na.’

 

 

“I am really happy po basta kung mahal niyo po yung isang tao, ayaw niyo pong makitang malungkot yung taong yun.

 

 

“And after po nung nangyari sa amin, after nung pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin yun and siya din.

 

 

“So, kung saan po siya masaya and kung sino po ang nagpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy.

 

 

“Kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko, e.

 

 

“So, dapat masaya din yung tatay nila para buo yung mga anak, kasi masaya na rin naman ako, e

 

 

“Ang ganda ng mga nangyayari sa akin.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Eugene Torre eere sa Usapang Sports via Zoom

    Panauhing pandangal sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa muling pagsiklab bukas (Thursday) ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sport Forum via Zoom.   Sa kasalukuyan, si Torre ang nagsisilbing head coach ng 12-player Philippine team na sasabak sa unang […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

    DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., […]

  • Ads November 23, 2023