Ilang biktima ng BDO online hacking, nabawi na ang nawawala nilang pera
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
Umaalma ngayon ang grupo ng mga consumers sa pamamaraan na ginagawa ng BDO sa pag-reimburse nila sa pera ng kanilang mga depositors na biktima ng online fraud.
Una rito, mayroon nang mga biktima ng online hacking ang nagtungo sa ilang branch ng naturang bangko at naibalik na ang kanilang pera.
Pero ayon sa mga nag-claim mayroon daw dalawang opsiyon ang mga magke-claim ng kanilang pera.
Ito ay ang pagpirma ng quit claim at ang isa naman ay ang pagsasampa ng kaso laban sa naturang bangko.
Karamihan daw sa mga kumuha ng claims ay pumirma na lamang ng quit claim para agad makuha ang kanilang pera pero ang naturang aksiyon naman ang siyang magiging hadlang para sa legal action laban sa bangko.
Kaya naman sinabi ni Laban Konsyumer Inc. at dating Trade Sec. Vic Dimagiba na hindi raw dapat pumipirma ng ganito ang mga depositors dahil sila ang biktima.
Aniya, posible kasing nakadagdag pa sa distress sa mga biktima ang pagkaka-hack ng kanilang account at dapat ay mas malaking halaga pa ang kanilang matatanggap kumpara sa mga nawalang pera.
Samantala, problema naman ngayon ng ilang OFWs na biktima ng cyber attack kung paano nila mababawi ang kanilang pera dahil kailangang personal silang magpunta sa naturang bangko.
Dahil dito, hinihiling ngayon ng mga OFWs kung puwedeng ang mga kamag-anak na lamang daw ang mag-claim sa pamamagitan ng authorization letter.
Una rito, gumalaw na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at bumuo na ng task force para imbestigahan ang naturang insidente.
Binigyan ng BSP ang task force ng 30 araw para makapagbalangkas ng kanilang rekomendasyon sa posbleng sanctions o multa sa mga sangkot sa hacking.
Sa panig naman ng National Bureau of Investigation (NBI), pinawi ni NBI-Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo ang pangamba at takot ng publiko sa paggamit ng online transactions.
Paliwanag niya, kung ikukumpara daw kasi ang fraudelent sa successful transactions ay maituturing naman itong “negligible.”
Ang mahalaga raw para sa publiko ay ingatan nila ang mga account details para hindi basta-basta mapasok ng mga hackers ang kanilang mga account.
Aniya, sa nangyaring hacking ay mistulang wala namang kakulangan at kinalaman dito ang mga kliyente o depositor dahil sinamantala raw ng mga hackers ang kahinaan ng security system ng naturang bangko.
Paliwanag niya, lahat daw ng bangko ay mayroong vulnerability o kahinaan sa seguridad at ito ang ginagawan ng paraan ng mga hackers para mapasok ang kanilang sistema.
Sa ngayon, patuloy daw na tinutunton ng NBI ang kinaroroonan ng anim na suspek sa naturang hacking.
Inalis na rin ng NBI ang anggulong mayroong nangyaring inside job sa online fraud dahil mas malaki raw ang risk o panganib ng mga hackers kapag mayroon silang contact sa loob ng bangko.
Hinimok din ng NBI ang nasabing bangko na isauli na ang mga perang na-hack na aabot sa P50 million dahil wala naman daw nailabas ang mga hackers na pera kundi nailipat lamang ito sa Union Bank at intact pa rin sa naturang bangko ang pera ng mga depositors. (Gene Adsuara)
-
CHED, pinag-aaralan ang limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa low-risk areas
PINAG- AARALAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na payagan ang limited face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccination rates. “In addition to limited face-to-face by degree program, pinag-aaralan na namin kung puwedeng payagan ang mga eskuwelahan na mag-limited face to face classes […]
-
Inbound travel sa Region 6, limitado
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection. Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, […]
-
PBBM, itinalaga si Diokno bilang miyembro ng Monetary Board
MAGBABALIK si dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang miyembro ng Monetary Board. Pinalitan ni dating Deputy Speaker Ralph Recto si Diokno bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF). Nauna rito, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Diokno para sa “excellent performance” nito sa […]