Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).
Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.
Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa Novaliches, Quezon City sa Setyembre 8.
Apektado rin ang Almanza Dose sa Las Piñas City at Alabang, Muntinlupa City sa Setyembre 8 at 9.
Samantala sa Setyembre 9 at 10 ay apektado ang Las Piñas City at Cainta, Rizal.
Inaasahang sa Setyembre 10 at 11 naman ay apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Maragondon, Naic at Ternate, Cavite gayundin ang Grace Park, Caloocan City at Tondo, Manila.
Samantala, sa Setyembre 12, inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Dasmariñas City, Cavite.
Kaugnay nito, humihingi naman ang Meralco ng paumahin at pang-unawa sa publiko sa perwisyong posibleng dulot ng kanilang maintenance works, na ang layunin anila ay higit pang mapaghusay ang kanilang serbisyong ipinagkakaloob sa publiko. (ARA ROMERO)
-
Paglalaro ng basketball, pinayagan ng mga Metro Manila mayors – MMDA
Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na payagan ang basketball games sa National Capital Regions (NCR) para sa mga fully vaccinated individuals. Nilinaw naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na depende sa mga manlalaro kung magsusuot ito ng face mask o hindi habang naglalaro. Paglilinaw ni Abalos […]
-
Wagi ng dalawang special awards: JILLIAN, apat ang naging escort sa ‘GMA Gala 2023’
ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22. Sa halip kasing isa lamang ang escort niya, isinama niya lahat ang mga boys na kasama niya sa GMA Afteernoon drama series nilang “Abot-Kamay na Pangarap,” sina Ken Chan, mga […]
-
Chemistry tututukan ni Sotto
Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar. Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng magandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang […]