• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang mga NBA players nakipagpulong kay Pope Francis

Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association.

 

Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues.

 

Kinabibilangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.

 

Isinakatuparan ang pagpupulong matapos ang pakikpag-ugnayan ng assitant ng Santo Papa sa nasabing mga NBA players.

 

Ayon sa Santo Papa na bilang isang manlalaro, mahalaga ang teamwork para maipanalo ang anumang ipinaglalaban.

 

Tumagal ng mahigit isang oras ang pulong na ginanap sa Apostolic Palace.

 

Matapos ng pulong ay umikot pa ang mga manlalaro sa St. Peter’s Square.

 

Magugunitang maraming NBA players ang sumama sa kilos protesta dahil sa nagaganap na racial discrimination at ang mga nagaganap na police brutality sa mga black Americans.

Other News
  • De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

    Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.   Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.   […]

  • Coalition for Good Governance (CGG) hiningi ang pag-aalis kay LTO chief

    ISANG grupo na tinatawag na Coalition for Good Governance (CGG) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggalin sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor D. Mendoza II.       Hiniling ng grupo na alisin sa puwesto si Mendoza dahil sa alegasyon ng korupsyon sa LTO.     Ayon […]

  • DepEd Calabarzon, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas mula Jan. 17-29

    INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaa­ring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang […]