Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.
Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.
Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya sa virus, subalit kailangan pa ring tapusin ang quarantine period, lalo’t may bagong variant na nade-detect lamang matapos ang ilang araw.
Hindi naman binanggit ng kalihim kung sino ang mga tinamaan ng virus sa kanilang opisina.
Simulan noong Biyernes ay kapansin-pansin na halos wala nang makikitang mga tauhan sa loob ng DFA building sa Pasay City. (Daris Jose)
-
22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE
NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE. Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas […]
-
23K riders sa Angkas, naitala sa Metro Manila
NAKUHA ng Angkas ang may pinakamaraming allotted riders dahil sa pagkabigo ng ibang motorcycle taxi companies na magdagdag para sa expanded rider cap kung kaya’t mayroon ng kabuoang 23,000 riders ang Angkas sa Metro Manila. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr’s) interagency technical working committee na nag-aaral ng legality at viability ng operasyon ng […]
-
Spence, interesado pa ring makaharap si Pacquiao
HINDI pa ring natatangal sa listahan ni Errol Spence na makaharap sa boxing ring si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi ng World Boxing Council at Intercontinental Boxing Federation (IBF) champion, na nanatili pa rin si Pacquiao sa listahan na nais niyang makaharap. Isa aniyang karangalan na makaharap aniya ang boxing legend ng […]