Ilang sangkot sa korapsyon sa DPWH, patay o retirado na
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
PATAY na o kaya naman ay retirado na ang ilan sa mga pangalan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na nasa listahan na sinasabing di umano’y sangkot sa korapsyon.
Sa briefing na isinagawa para sa pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses ay isinambulat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang korapsyon sa loob ng DPWH makaraang may lokal na opisyal ng Camarines Sur ang nagpalutang ng ideya na magtayo o maglagay ng Bicol River basin para labanan ang tubig-baha.
Sinabi ng opisyal na ang proyekto ay mangangailangan ng koordinasyon ng DPWH, Department of Environment and Natural Resources at provincial government.
“Please understand that I do not have anything against [DPWH Secretary Mark] Villar. He’s very honest, he’s very good. Very industrious. Problem is, DPWH is inhabited with mga demonyo,” ayon kay Pangulong Duterte.
Sa ulat, makailang ulit na sinasabi ng Pangulo ang talamak na korapsyon sa DPWH dahilan para ipag-utos niya ang pag-audit ng mga proyekto nito habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang task force ukol sa korapsyon sa pamahalaan.
Gayunman, ipinaalam naman ng local na opisyal kay Pangulong Duterte na ilan sa mga DPWH personnel na sinasabing dawit sa korapsyon ay patay na o retirado na sa serbisyo.
“Excuse me, Mr. President. ‘Yun pong mga nakarating sa iyo na pangalan ng supposed to be corrupt officers of DPWH, ang iba po sa kanila patay na… ang iba po nag-retire na,” anito.
“Buti, kundi patayin na lang natin,” ang tugon naman ng Pangulo na dahilan para magtawanan ang lahat na kasama sa briefing.
Matatandaang, pinalawig ni Pangulong Duterte ang coverage ng imbestigasyon ng government-wide corruption kabilang na ang DPWH.
Sa kabila ng kanyang deklarasyon na contempt of corruption sa ahensiya ay nananatili naman ang trust and confidence ng Pangulo kay DPWH Sec. Mark Villar. (Daris Jose)
-
House-to-house COVID-19 test, isusulong ng DOH
Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) ang “house-to-house swab testing” para sa COVID-19 sa tulong ng mga lokal na pamahalaan para mas maging epektibo ang ginagawang testing ng pamahalaan. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay para malaman talaga ang tunay na istatus ng impeksiyon sa bansa kahit na […]
-
Ads March 9, 2020
-
Sikat na Tumbungan sa Tondo, dinala ni Yorme sa BGC
SINO ang mag-aakala na puwede palang ilipat ang Tondo sa lugar na tirahan ng mga burgis, na may nagtatayugang gusaling pang-komersiyo at condominium gaya ng Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City? Ang alam kasi ng marami, kapag nabanggit ang Tondo, lugar ito ng iba’t ibang klase ng tao, may mayaman, mahirap, edukado, […]