• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang UV Expess balik kalsada

Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon.

 

Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.

 

Ayon sa LTFRB, ang operasyon ng UV Express ay mahigpit na ipapatupad ang terminal-to-terminal basis para sa pick up at drop off ng pasahero. Hindi rin sila papayagan ng dumaan ng EDSA at Commonwealth Avenue sa Quezon City.

 

“UV Express operators and drivers should comply with strict guidelines with the resumption of their operations,” wika ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

 

Dapat din sundin ang iba pang provisions na nasasaad sa guidelines tulad ng regular examination ng mga drivers upang malaman kung sila ay may magandang kalusugan at ang pagsusuot ng masks at gloves sa lahat ng oras.

 

Habang ang mga pasahero naman ay kinakailangan din magsuot ng face masks at dapat ay may eksaktong pamasahe ang ibabayad bago pa man sumakay upang mabawasan ang personal transactions.

 

Kinakailangan din na ang isang pasahero ay mag fill-out ng forms na gagamitin sa contact tracing. Kailangan din na may mga barriers nailalagay sa pagitan ng driver at pasahero.

 

Diniin ng LTFRB na walang mangyayari ng pagtaas ng pamasahe at ito ay mananatiling P2 kada kilometro kahit na limited ang passenger capacity nito dahil sa pagpapatupad ng social distancing.

 

Ayon naman sa mga operators at drivers ng UV Express na kukunti lamang ang kanilang mga pasahero kahit na may sinusunod silang health protocols sa mga sasakyan. Subalit inaasahan din nila na dadami rin ang mga pasahero sa mga darating na araw kung malalaman ng karamihan na may UV Express na.

 

Samantala, ang mga “roadworthy” traditional jeepneys naman ay inaasahang magsisimula ng operasyon sa Metro Manila sa darating na lingo dahil ang mga routes ay pinag-aaralan pa rin ng LTFRB ngayon Linggo. Inaasahang magkakaroon ng 30 posibleng routes ang bubuksan ng LTFRB.

 

“We are still completing the list of routes of traditional  jeepneys. But we’re looking at Thursday or Friday for them to be deployed on the routes that will be identified. I would not put an exact number of routes, but it is necessary for us to release first the Memorandum Circular for the matter,” sabi ni Delgra.Pinaliwanag din niya na depende sa routes na mabubuksan ang bilang ng mga jeepney units na papayagang pumasada.

 

Habang ang operasyon naman ng traditional jeepneys sa ibang lugar ng bansa ay pinayagan ng magsimula tulad sa Northern Mindanao, Davao region, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN Regions; Bulacan, Pampanga, Cagayan de Oro, South Cotabato, at Siquijor.

 

Pinayagan silang pumasada dahil sa kakulangan ng transportasyon sa mga nasabing regions sa bansa. (LASACMAR)

 

Other News
  • Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi

    PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril  9.     Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward […]

  • ‘Firefly’, kinabog ang naglalakihang pelikula: EUWENN, tinanghal na Best Child Performer sa ‘MMFF 2023’

    WALANG pag-aalinlangan na nagniningning ang mga ilaw para sa ‘Firefly’ sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, nang mag-uwi ang pelikula ng tatlong major awards sa 15 nominasyon, kabilang ang Best Picture.     Produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, tinalo rin ng ‘Firefly’ ang iba pang […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 50) Nalalapit na ang pagwawakas… Story by Geraldine Monzon

    HINDI MAITAGO  ni Regine ang inis kay Bela dahil sa pangingialam nito sa mga plano niya kaya hindi niya napigilan na maghimutok sa bagong kakampi na si Roden.   “Magtiwala ka lang sa’kin Regine. Basta tutulungan mo ako na mapabagsak si Bernard.”   Sa sinabi ng lalaki ay natigilan si Regine at napasandal sa upuan […]