• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao.

 

“We are confident with that probe because no less than Justice Secretary Menardo Guevara wants to get hard answers from the law enforcement agencies,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Nagsalita na aniya si Justice Secretary Menardo Guevarra sa kanyang naging obserbasyon na may mga police officials ang hindi sumunod sa standard operating procedures (SOP),” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Tiniyak nito na ang imbestigasyon ay magiging patas, masinsin at makatarungan.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na kailangang sundin ng mga police officials ang rule of “necessity and proportionality” sa paggamit ng lakas laban sa mga suspek sa police operations, at ang kabiguan na gawin ito ay nangangahulugan na mahaharap sila sa murder charges.

 

Sa ulat, kasama sa mga napatay si Bayan-Cavite coordinator Manny Asuncion, mag-asawang sina Chai Lemita at Ariel Evangelista atbp. habang nakatakas naman ang 10-taong gulang nilang anak. Sinasabing miyembro ng Ugnayan ng Mamamayan Laban sa Pagwasak ng Kalikasan at Kalupaan ang mga Evangelista.

 

Kasama din sa mga naaresto sina Bayan-Laguna chapter spokesperson Mags Camoral. Ilan pa sa mga na-raid kahapon ang headquarters ng mga aktibistas sa probinsya ng Rizal.

 

Hinamon naman ng Malakanyang si Bise Presidente Leni Robredo na patunayan ang kaniyang pahayag na namamahala si Pangulong Rodrigo Duterte ng “murderous regime” matapos ang serye ng police raid na nag-iwan ng 9 patay na aktibista.

 

Ayon kay Sec. Roque, kung hindi mapapatunayan ito ni Robredo ay posible siyang kasuhan.

 

“Kung personal na nakita ni Vice President iyong nangyari, magbigay siya ng ebidensiya kasi ang pananalita niya, parang nakita ng dalawa niyang mata iyong nangyari sa mga patayan na ‘yon,” ani Roque sa isang press briefing.

 

Tinawag ni Robredo na masaker ang magkakasabay na police raid sa Calabarzon na nagresulta ng pagkamatay ng mga hinuhuli na umano ay nanlaban sa awtoridad.

 

Kinondena ng ilang rights groups ang pagpaslang sa 9 aktibista, na inilarawan nila bilang “tokhang style.”

 

Ayon kay Robredo, karamihan ay napatay sa alanganing oras at sa loob ng kanilang mga tahanan.

 

Nangyari ang operasyon dalawang araw matapos ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cagayan de Oro kung saan sinabi niya sa pulisya at militar na isantabi ang human rights at patayin ang mga armadong komunistang rebelde. (Daris Jose)

Other News
  • Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust

    HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa […]

  • PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

    Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!      […]

  • 4,000 pulis sa NCRPO, ikakalat para bantay-eleksyon

    NAGPAKALAT  na ng nasa 4,000 pulis ang Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022.     Ayon kay NCRPO chief, P. Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya […]