• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaayos na Kalibo International Airport papalakasin ang turismo, trabaho

Palalakasin ang turismo at magibibigay ng maraming trabaho ang mas pinagandang Kalibo International Airport (KIA) na magtutulak upang dumami pa ang economic activities sa Aklan.

 

 

“While comfort, improved mobility, and connectivity are expected as a results of various development projects in Aklan, more employment and tourism opportunities will likewise flourish to boost activities in the province,” wika ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ayon kay Tugade mayron 280 na empleyado at trabahante ang nabigyan ng pagkakaton na magtrabaho sa ginawang pag-aayos ng KIA at madaragdagan pa ito kapag nagkaron na ng full operations ang nasabing airport.

 

 

Dahil na rin sa utos ni President Duterte, ginawa ng DOTr ang pagaayos ng KIA upang matupad ang pangako ni Duterte na kanyang gagawing mas  maayos ang aviation sector sa kanyang panahon.

 

 

Natapos ang pag-aayos ng KIA noong September 2020 kahit na may pandemya. Pinalawak ng 2,633.40 square-meter ang International Passenger Terminal Building (IPTB) na kayang magkasya ang 406 na pasahero mula sa dating 344 passenger volume. Bago ang upgrading, ang grounds ng airport ay mayron lamang 1,584 square-meter.

 

 

“With the airport terminal’s expansion, queuing passengers are provided with 126 square-meter covered section outside the International PTB for weather protection. Ample space for the operation Customs, Immigration, and Pre-screening personnel, has been provided to eliminate long passengers queues,” dagdag ni Tugade.

 

 

Inayos rin ang 4,000 square meters na mga sirang pavement at inalis ang mga unexpected hazards sa parking ng mga aircrafts.

 

 

Ayon naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Jim Sydiongco na naresolba rin nila ang mga problema sa congestion, dilapidation, at kakulangan ng mga pasilidad sa KIA.

 

 

“Realizing the long-term solution is needed to develop this aged structure, CAAP, with staunch direction of DOTr, launched this project rehabilitate KIA’s grandeur as a premier airport. Overall repair and restoration of KIA have improved and restored KIA’s look and facilities as a whole,” saad ni Sydiongco.

 

 

Pinasalamatan naman ni Aklan Governor Florencio Miraflores at Kalibo Mayor Emerson Lachica si Tugade sa ginawang inagurasyon noong June 4 ng KIA dahil sa kanyang paghahangad na itulak ang pagaayos ng KIA.

 

 

Magiging isang pangunahing gateway ang KIA sa mga turistang pupunta sa Boracay upang magbakasyon kung kaya’t matutulungan nito ang paglago ng turismo sa Aklan.

 

 

“One may think at this moment that it is hard to achieve, but this significant project is one of the trademark services of the Duterte administration,” dagdag ng DOTr.  (LASACMAR)

Other News
  • Panukalang P5.2-T nat’l budget para sa 2023, isusumite sa Kongreso sa Aug. 22 – DBM

    ISUSUMITE ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.2-T national  budget para sa 2023 sa Agosto 22, 2022.     “We will submit the budget to Congress on August 22,” ayon kay  Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press conference kasunod ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting.     Ang […]

  • 4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse

    INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite.   Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company […]

  • PDu30, saludo sa mga nago-operate ng community pantries

    SALUDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga indibidwal na nago-operate ng community pantries subalit binigyang diin ang mahigpit na pagsunod sa COVID-19 safety measures habang isinasagawa ang aktibidad.   Noong nakaraang Abril, may ilang community pantries ang itinayo para magbigay ng basic goods sa mga nakikipagpambuno sa pandemiya.   Iginiit ni Pangulong Duterte na […]