Inamin na ang ‘Livestream’ ang pinakamahirap na nagawa: ELIJAH, ipinagpaalam kay MILES ang ‘butt exposure’ at walang violent reaction
- Published on November 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAKITA ng kanyang butt ang award-winning actor na si Elijah Canlas sa online horror movie na Livescream.
Ayon sa aktor, ito na raw ang pinakamahirap na pelikula na ginagawa niya. Bago raw sila mag-shoot ng movie, pinag-workout daw muna siya para batak ang katawan niya dahil marami siyang eksenang hubo’t hubad siya.
“I was topless and barefoot for most of the film and covered in fake blood and dirt everyday. I also had an accident during one of the stunts,” kuwento ni Elijah.
Guest naman sa movie ay ang girlfriend niyang si Miles Ocampo. At alam daw ni Miles ang ginawa nitong butt exposure sa pelikula.
“Siyempre, nagpaalam ako. May reaction lang po, pero hindi naman po violent. May ganyan po siya pero supportive naman po si Miles,” diin ni Elijah.
Mas gusto pa raw ni Elijah na magkaroon siya ng frontal nudity kesa butt exposure. Nai-insecure daw siya sa balat or birthmark sa kanyang puwet.
“May birthmark din po ako dito. ‘Tapos, madalas sa shoot, napapansin ng mga direktor. Akala nila, dumi. Kaya medyo naging insecure na ako sa birthmarks ever and ito, itinatago ko nga ito.”
***
SA magaganap na QCinema International Film Festival sa November 17 to 26, isa sa dapat panoorin ng mga Gen Z at future fimmakers ay ang 1976 digitally-restored film version ni Mike de Leon na Itim (The Rites of May).
Ang Itim ang unang pelikula ni Ms. Charo Santos-Concio kunsaan nanalo siya bilang best actress sa 1978 Asian Film Festival.
Mga kasama pa sa pelikula ay sina Tommy Abuel, Mario Montenegro, Mona Lisa at Susan Valdez.
Sa isang interview ni Ms. Charo, si Direk Lino Brocka ang naka-discover sa kanya pagkatapos niyang manalo bilang Baron Travel Girl. Pinag-audition daw siya kay Mike de Leon na naghahanap ng baguhang artista para sa role ni Teresa sa kanyang directorial debut na Itim.
“There was mutual respect. I respect his artistry. I admire him because he has a handle on his narrative and understands the film language. He’s very disciplined. Everything I learned about filmmaking, I learned from Mike,” sey ni Ms. Charo kay Direk Mike na nakatrabaho siya sa dalawa pang pelikula: Kisapmata at Kakaba-Kaba Ka Ba?
Kabilang ang Itim sa pinalabas na classic films from Asia sa Cannes Film Festival noong nakaraang May.
***
KINASAL na ang Twilight actor na si Taylor Lautner sa kanyang fiancee na si Taylor Dome. Nag-exchange “I do” ang dalawa sa Epoch Estate Wines in Paso Robles, California.
Nakilala si Lautner sa pagganap niya bilang ang werewolf na si Jacob Black sa Twilight film series.
Kuwento ni Lautner, noong magpahinga raw siya sa pag-arte ng ilang taon, nakilala niya ang kanyang future wife sa pamamagitan ng kanyang sister na si Makena.
“I wanted to take a step back and enjoy life and spend some time with my family and friends. My sister Makena actually introduced us. She called me and said, ‘Dude, I found your future wife. You need to meet this girl.’ And the rest is history.”
Nag-propose si Lautner kay Dome noong November 11, 2021 sa harap ng kanyang fireplace na puno ng kandila at rose petals/
Pinost ni Dome ang photo ng iyon sa Instagram with the caption: “My absolute best friend … I CANNOT WAIT TO SPEND FOREVER WITH YOU.”
Isang registered nurse si Taylor Dome at malaki raw ang naging tulong ng kanyang mister sa pagtatpos niya ng kanyang nursing course.
“Thank you for encouraging me when I felt like quitting. Thank you for all the meals you’d make me when I was too busy studying. Thank you for quizzing me and trying to pronounce medical terms and abbreviations,” sey pa ni Dome sa kanyang mister.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30
PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians. “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]
-
Kelot na walang facemask huli sa marijuana
NABISTO ang dalang illegal na droga ng isang kelot nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong suspek bilang si Dante Avila, 29 ng Barangay 150, Bagong […]
-
Most wanted person sa pagpatay nalambat sa Navotas
SA kalaboso ang bagsak ng isang mister na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Raul Sioson, 56 ng Brgy. NBBN ng lungsod. Sa kanyang […]