Inaming nagkaroon ng ‘di pagkakaintindihan: MIKOY, umiiwas kaya ‘di pa sila nagkaka-ayos ni JACLYN
- Published on October 6, 2023
- by @peoplesbalita
MASAYA ang bagong news ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, host ng pinakamasayang game show na “Family Feud” sa GMA-7 na pwede nang sumali ang mga batang contestants.
Ayon kay Dingdong, based daw sa survey, ang mga tamang sagot sa show, mga bata rin ang respondents para sa kiddie episodes.
Nagbalik na muli ang “Family Feud” last Monday, October 2, sa timeslot pa rin na 5:40 to 6:30 pm, matapos magkaroon ng season break dahil may mga ginawang bagong shows si Dingdong sa GMA-7.
Dahil dito, natanong si Dingdong kung papayagan ba niyang sumali ang 7-year old daughter nila ni Marian Rivera na si Zia?
Ayon kay Dingdong dapat daw munang manood si Zia para matutunan nito ang mechanics ng show. Tiyak daw na manonood ang anak.
Biro ni Dingdong, tiyak na mas magiging kabado pa siya sa anak kapag ginusto nitong sumali.
“Nasa stage na kasi si Zia na alam na niya ang gusto at ayaw niya.”
Biniro si Dingdong sa interview na pansin daw sa pagho-host niya na kung minsan parang gusto niyang tulungang manalo ang mga contestants.
True daw na may pagkakataong parang gusto na niyang ibigay ang sagot, dahil gusto rin niyang manalo at mag-enjoy ng contestant ang laro.
“Kung minsan kasi, hindi ko alam baka bad day lang sila or sadyang hindi lang sila excited or kinakabahan talaga sila.”
***
MAGSISIMULA na si Kapuso actress Glaiza de Castro ang shooting ng newest suspense-thriller movie na “Slay Zone” kasama ang bagong Thai actor na si Richie Armstrong.
Si Richie ay brother ng Thai actress na si Becky Armstrong, na nakilala sa girl love or GL movies and has made a name for herself.
Makakasama ni Glaiza sa movie si “TiktoClock” host and comedian Pokwang, at mga actors na sina Abed Green, Maui Taylor, Lou Veloso, Rico Barrera, Hero Bautista at Queenay Mercado.
Ang “Slay Zone” ay ipu-produce ng Wide International Film Productions, na production company na co-founded ni Glaiza, kasama sina April Martin, Pauline Publico, at kapwa Kapuso na si Ken Chan. Ang kilalang film director na si Louie Ignacio ang magdidirek ng movie.
Ang movie ay unang ni-launch last September at si Pokwang ang nagsabing gagampanan niya ang dream role niya na isang policewoman.
“Nakakaloka ang twist, pero ayokong ma-preempt ang sobrang gandang story, nakakaloka, hindi mo aakalain.”
***
SA “Fast Talk with Boy Abunda” episode last October 2, ang mga special guests ni Boy Abunda, ay ang mag-best friends na sina Kapuso stars Mikee Quintos at Mikoy Morales.
Sa “Talk or Dare,” na kapag sumagot sila ng ‘Talk’ ay sasagutin nila talaga ang tanong. Ang tanong kay Mikoy ay kung may co-star na ba siyang nakaalitan at kung mayroon man ay dapat niyang pangalanan. Noong una ay nag-alangan si Mikoy pero nagkasundo na sila ni Mikee na sasagutin nila ang tanong.
Kaya inamin ni Mikoy na hindi naman sila nagkaroon ng sagutan ng aktres, hindi raw niya totally kinonsider na alitan, may hindi raw lamang silang pagkakaintindihan ng beteranang actress na si Jaclyn Jose. Inamin ni Mikoy kay Boy na hindi pa ito naayos.
Paano kaya kung magkakasalubong sila dahil pareho silang nasa GMA?
“Nagkakasalubong… may mga time, kasama ko pa noon si Mikee maglakad, pero umikot ako ng buong floor. Hindi naman tungkol sa trabaho ang dahilan, siguro nangyayari talaga ito, maybe, madalas mangyari but I took it personally,” sabi ni Mikoy.
“Maybe it’s something like that which kinda scarred me, to the point na I would get anxious when I would think of stepping sa set with her there.”
Nagkasama sina Mikoy at ang premyadong aktres sa isang Kapuso teleserye noon, ang “D’Originals.”
(NORA V. CALDERON)
-
Pasinaya sa Mamale 1 pumping station
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas, pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco at iba pang opsiyal ng pamahalaang lungsod ang pagpapasinaya sa bagong bukas na Mamale 1 pumping station sa lungsod na makakatulong sa pagpigil sa mataas na pagbaha tuwing high tide o kung mayroong malakas na ulan […]
-
Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito
Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant. Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit […]
-
Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos
TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada (MT) ng asukal. Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng […]