Inbound travel sa Region 6, limitado
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection.
Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, hanggang Abril 10, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Metro Manila at ang paligid ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces– kilala bilang NCR Plus–ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine hanggang April 11.
Inaprubahan naman ng IATF ang pagbili ng 500,000 antigen test kits para palakasin ang COVID-19 screening sa NCR Plus, Batangas at Pampanga provinces.
Samantala, hinikayat naman ng task force ang local governments sa NCR Plus na magpatupad ng community services sa halip na pagmultahin ang mahuhulig lumabag sa coronavirus protocols. (Daris Jose)
-
PBBM itinanggi ang alegasyon na nais idawit ang Senador, FPRRD at 2 iba pa sa POGO ops
Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon ni dating PNP chief at kasalukuyang Senator Ronald Dela Rosa laban sa kasalukuyang administrasyon na umano’y tinatangkang idawit ang Senador kasama sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go at dating Criminal Investigation Detection Group chief Lt. Gen. Gerald Caramat na nasa likod ng ilegal na POGOs […]
-
Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ
INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon. Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang […]
-
South Korea dedesisyunan ng FIBA
DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers. Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum. “FIBA was informed by […]