Initial rollout sa mga comorbidities na may edad na 12 hanggang 17 sa NCR, kasado na
- Published on October 13, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL ‘steady” ang bakuna sa bansa, magsisimula na sa darating na Biyernes, Oktubre 15 ang initial rollout para sa mga may comorbidities na may edad mula 12 hanggang 17 sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magsisimula na ang pamahalaan sa juvenile vaccination.
Magsisimula na rin aniya ang pagbabakuna sa general population.
“So, lahat na po ay puwedeng magpabakuna,” pagtiyak ni Sec. Roque.
Ito aniya ay pagsunod sa naging kautusan ng Pangulo na nakasaad sa IATF resolution No. 141.
Sa ulat, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataang 12 hanggang 17 taong gulang na comorbidities laban sa coronavirus disease sa anim na Metro Manila hospitals simula sa Oktubre 15.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ang anim na ospital na gagamitin para sa pagbabakuna sa mga menor de edad ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe Del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital.
“Ito po ay gagawin nating phased. Uunahin po natin yung 15 to 17 years old. And then ‘yung 12 to 14 years old,” ayon kay Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa nasabing edad ay palalawigin sa kalaunan sa mga piling Metro Manila local government units (LGUs).
“Itong pong mga [LGU] na ito ay ‘yung Manila, Pasig, Taguig, Makati, Quezon City, Mandaluyong. At after 30 days, magkakaroon na po tayo ng rollout sa buong NCR (National Capitla Region) at sa mga areas na meron na po tayong average na more than 50 percent na mga A2 (senior citizens),” ayon kay Galvez.
Sinabi ni Galvez na maglalaan ang pamahalaan ng 60 milyong vaccine doses para sa nationwide vaccination ng 26 hanggang 29 milyong kabataan na may edad na 12 hanggang 17 taong gulang.
Hindi naman nito tinukoy ang bilang ng mga kabataan na makikiisa sa pilot COVID-19 vaccination isa anim na Metro Manila hospitals.
“Ang initial natin sa pilot ay more or less ilang libo lang for the meantime. And then oobserbahan po natin. Once makita natin na walang major adverse effect, itutuloy po natin ‘yun. Gagawin po natin sa mga bata, phased at closely monitored, at saka talagang sequential,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)
-
Eight years ago pa huling naka-work sa teleserye: CARLA, excited sa muli nilang pagtatambal ni GABBY at kasama pa si BEAUTY
EXCITED si Carla Abellana dahil sa muling pagtatambal nila na teleserye ni Gabby Concepcion na may title na ‘Stolen Life.’ Huli silang nagkasama ni Gabby ay sa teleserye na ‘Because Of You’ noong 2015. Kaya after 8 years ay balik ang tambalan nila na hinihintay ng maraming fans nila. At ang ka-love triangle […]
-
20 PORSYENTONG DISKWENTO SA AMILYAR, IPATUTUPAD NG QUEZON CITY
IPATUTUPAD ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 20% updated discounts para sa nga magbabayad ng kanilang amilyar o Real Property Tax simula sa isang taon para sa mga magbabayad ng RPT ng buo bago o sa December 31. Ito ay inanunsyo ni Mayor Joy Belmonte matapos lagdaan ang Ordinance Number SP-3179, […]
-
Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite
Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021. Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig. Binigyang […]