International arriving Filipino passengers na gumaling sa COVID pinapayagan nang makapasok sa Pilipinas
- Published on January 24, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARI nang pumasok sa Pilipinas ang mga Pinoy travellers na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID subalit nagpopositibo pa din sa required pre-departure RT-PCR test.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangang lang na makapag- pakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na inisyu ng isang licensed physician.
Kailangan lamang ani Nograles na nakasaad sa medical certificate na nakakumpleto na ang biyahero na gumaling sa COVID-19 traveller ng kanyang mandatory isolation period.
Kailangan din aniyang nakapaloob sa certificate na hindi na infectious o nakakahawa pa ang biyaherong Pinoy at pinapahintulutang makabiyahe.
Sinabi pa ni Nograles na ang positive RT PCR test ay dapat ginawa earlier than 10 days but not later than 30 days.
Samantala, kailangang sumailalim sa facilty based quarantine ang kinuukulang biyaherong Pilipino pagdating dito sa bansa. (Daris Jose)
-
Bagong Pilipinas walang ‘hidden agenda’-PBBM
KASABAY nang pormal na paglulunsad ng “Bagong Pilipinas,” sa Quirino Grandstand sa Maynila, nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang “hidden agenda” sa nasabing kampanya at hindi rin ito isang bagong partidong pulitikal. Sa kanyang mensahe sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” campaign, sinabi ni Marcos na para maibalik muli ang tiwala […]
-
Bato, nag-sorry sa ABS-CBN
“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.” Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network. “Pasensya na po kung kayo ay […]
-
Ads May 7, 2021