• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Internet service sa bansa, malayo pa sa pagiging world class

MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa

 

Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telcos para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente.

 

Ayon kay  Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang naging improvement ng mga higanteng kumpanya ng telcom companies pero may hinahanap pa rin aniya ang publiko.

 

Ang gusto ng mga Filipino  ay maging world class ang serbisyo ng dalawang higanteng kumpanya at makasabay sa klase ng internet service ng ibang mga bansa.

 

Tuwirang sinabi ni Sec. Roque na ang Pilipinas bilang nasa ika- 34 sa ranking ng 50 mga bansa dito sa Asya kung pag- uusapan ay internet speed ay hindi talaga masasabing pang- world class.

 

Pinakamainam na serbisyo ang gusto ng mga tao na sa sandaling maibigay ay doon lang masasabing world class ang ang ating internet service.

 

” Well, hindi naman po inggrato ang sambayanan at hindi po natin binabalewala iyong mga naging improvement.

 

Pero sa totoo lang po, ang ninanais po ng ating mga kababayan ay hindi lang po na mag-improve; ninanais din po ng ating mga kababayan iyong ninanais ng Globe at saka ng Smart na maging world-class,” ayon kay Sec. Roque

 

“At tapatan lang po tayo, at number 34 in Asia, I don’t think we are world class.

Kaya nga po ang mensahe ng Presidente, iniimbita naman po ang mga telecoms company sa Malacañang mismo at naimbita po si Mr. Cu, tinanong kung anong kinakailangan, nag-deliver naman po ang gobyerno. Pero ginagawa po ito ng Presidente at ng gobyerno dahil importante po that we should give the best service to the Filipino people. And yes, we should be world class,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

    NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 […]

  • Utang ng PH pumalo na sa record-high P11.6-T – BTr

    Pumalo na sa record-high P11.642 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Agosto 2021, base sa datos na inilabas ng Bureau of Treasury (BTr).     Ayon sa ahensya, hanggang noong katapusan ng Agosto, ang outstanding debt ng pamahalaan ay tumaas ng 0.28 o P32.05 billion mula sa P11.61 trillion na naitala noon […]

  • PH Sports Hall of Fame

    INANUNSIYO ng Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2020 Committee na pinangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sa Marso na ang nominasyon para sa iluluklok sa Sports Hall of Fame.   “This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” ani Ramirez habang sinasalubong ang […]